Kabanata 12

1.5M 43.3K 6.9K
                                    

Kabanata 12

Naudlot na Paghatid

"Saan natin gagawin ang thesis, aber?" Tanong ko.

"Dito sa school! Sa library!" Sabi niya na para bang naiirita.

"Gagabihin ako ng pag-uwi at mababastos ako-"

"Safe ka naman ngayon eh naka P.E ka lang..." Ngumisi siya.

"Safe ka diyan! Paano kung ma rape ako? Dami pa namang damuhan dito at mga kagubatan. Naku! Mamamatay ang mama at papa ko pag nalaman nilang may nangyaring masama sakin!" Sabi ko at nag-iisip pa ng maraming alibi kasi ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay iwasan siya...

"O siya sige ihahatid kita sa inyo!" Sabi niya na ikinabigla ko.

Hindi iyon ang pinangarap kong marinig... never in my wildest imagination na maririnig ko iyon kaya natigilan ako at halos di ko masabi ng maayos ang sagot ko.

"P-Pero... Uh... Hin-Hindi mo alam kung saan ang bahay namin. Mahihirapan ka lang."

"Eh anong tawag sayo? Ano ba sa tingin mo yung gagawin mo kung ihahatid kita?" Umirap siya. "Edi turuan mo ako kung saan ang bahay niyo?!" Aniya na para bang ang bobo ko para di ko maisip yun. "Tsaka... di naman talaga yun kailangan, Aranjuez ka diba? Walang ibang may Aranjuez dito kundi yung bahay ninyo."

"Okayyy! Edi sige!" Nagmartsa ako papuntang library nang di nagpapaalam kay April sa likuran ni Jacob.

Sumunod naman ang kumag. Umupo ako sa isang bakanteng table. Marami-rami din naman ang estudyanteng nasa library, kadalasan ay mga 6th year, siguro dahil sa thesis o di kaya sa reporting ng Filipino 6 na tinatalakay ang mahirap na Filipino Literature.

Umupo siya sa tabi ko dala-dala ang iba't-ibang libro. Hinayaan ko na rin siyang maghanap ng topic.

"Hoy senyora, hindi ka nandito para maglaro diyan sa cellphone mo, buti pa mag hanap ka rin." Aniya.

"Wow! Alam mo pala ang tawag dito, cellphone?" Ngumisi ako at umirap sa kanya. Kainis eh!

Gwapo ka ha pero sana wa'g naman masyadong nakakainis!

"Kaw talaga! Napaka judgemental mo. Porke ba't taga rito ako di ko alam anong cellphone?"

"Oh eh bakit? masisisi mo ba ako kung etong bukirin ninyo isang bar lang ang signal. Malayo sa sibilisasyon. Ala sais pa ng gabi tulog na ang mga tao-"

"Nine PM natutulog ang mga tao rito!"

"Pareho na rin yun! Nine PM? Sa Maynila eh kakagising lang ng mga tao para mamasyal sa mga mall at mag bar-"

"Kung ganyan mo naman kamahal ang Maynila edi bumalik ka na lang doon!" Sabi niya. Seryoso na siya at galit ngayon.

Umirap na lang ako sa kagwapuhan niya kahit galit.

Tumingin siya sa malayo, tahimik, habang tinititigan ko siya.

Ayaw niya ng mga judgemental na tao. Ayaw niya ng mga taong minamaliit siya o sino mang kaibigan niya (tulad ni April). Tama. Nakakainis nga naman ang mga judgemental na tao... tulad ko...

"Kung may choice lang ako, babalik na ako!" Sabi ko ng mahinahon.

Para bang sa pagtitig ko sa mukha niya ay napawi ang inis at galit ko. Nainis ako sa sarili ko. Judgemental. Pero yun ang totoo kong nararamdaman... Ayoko dito sa bukid. Nasanay ako sa pamamasyal sa mga mall, panunood ng sine, pagkain samga fastfood, pamimili ng damit... Sinanay ako masyado ni Callix sa halos tatlong buwan naming relasyon.

"Ba't wala kang choice?" Tanong niya.

Ayokong sabihin sa kanya ang katotohanan. Kung siguro'y mayaman siya, hinding hindi ko sasabihin. Pero dahil alam kong sanay siya sa kahirapan, nasabi ko...

"Umuwi na sina mama at papa galing Canada, wala kaming bahay sa Maynila, nangungupahan lang kami kaya napilitan kaming pumunta dito."

Binuksan niya ang kanyang bibig na para bang may sasabihin sana pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

"Kung dito ako lumaki sa bukid, siguro walang problema sa akin ang pananatili dito. Pero di eh... sa syudad ako lumaki. Yun ang comfort zone ko. Hindi dito... Dun ako masaya." Sabi ko at pinigilan na rin ang sarili ko sa pagsasalita.

"Di naman siguro. Hindi naman ibig sabihin na kahit comfort zone mo ang isang lugar ay dun ka masaya. Minsan, sumasaya ang mga tao sa lugar na akala nila ay di sila magiging masaya."

Nagkatinginan kaming dalawa.

*TING-TING-TING*

Closed na ang library. 6PM na kasi at kailangan ng umuwi ng mga mag-aaral.

Pagkalabas namin ni Jacob sa library, nakita namin si April na para bang kanina pa nakatayo at nilalamok na sa pag-aabang samin.

"O, April, ba't nandito ka pa?" Biglang-bigla si Jacob.

"Uh... Inayos ko pa kasi ang report ng grupo eh." Aniya nang di makatinginkay Jacob.

Tumingin si Jacob sakin.

"Uuwi na rin naman ako." Dagdag ni April.

"Uh... Sige na Jacob, ihatid mo na si April." Sabi ko.

Parang may naramdaman akong hollow space sa tiyan ko, hindi ito gutom kasi di kumakalam ang sikmura ko, hollow space lang... dala siguro ng panghihinayang ko.

Oo na, nanghihinayang ako dahil di niya ako maihahatid.

"O sige. Sigurado ka bang okay ka lang mag-isa?"

Nakita ko itong paparating pero di ko alam na masakit pala. Sana sinabi niyang ihahatid niya ako, pero di eh.

"O-Okay lang ako Jacob." Sabi ni April.

"Okay lang, April. Kaya ko mag-isa. Sige! Bye!" Sabi ko at nagmadaling umalis.

Of course! Pipiliin niyang ihatid si April kahit sinabi niya sakin kaninang ihahatid niya ako. Di bale na daw kung gabihin kami basta ihahatid niya ako. Pero anyare, Jacob?

Mas lumawak yung hollow space sa tiyan ko. Nasaktan na ako dati pero di ganito ka OA yung nafeel ko noon. Ang OA ko na ngayon. Dala siguro ng malamig na simoy ng hangin dito sa bulubundukin at kagubatan ng Alegria.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon