Kabanata 37

1.7M 40.8K 17.3K
                                    

Kabanata 37

Ikaw at Ako

Masakit. Yun ang unang naisip ko pero nakalimutan ko na agad yun lalo na dun sa huling nangyari. Hindi ako sigurado pero bumilis ang tibok ng puso ko at nakalog yata ang buong katawan ko habang kumalas siya sakin pagkatapos ng sabay naming pag galaw. Napapikit ako sa sarap at excitement na naramdaman ko habang napahinga siya ng malalim sa tabi ko.

Bago pa ako dumilat, hinalikan niya na ang noo ko.

"I love you, Rosie. Sorry at hindi na ako nakapag pigil." Napabuntong hininga siya. "Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko." Hinalikan niya ang pisngi ko.

Hindi ako nadevirginized ni Callix na umabot kami ng ilang months, pero si Jacob! Si Jacob na kahit ilang minuto pa lang nagiging kami ay ganito na ang nangyari.

"I love you, too." Sabi ko.

Nakarating kami sa bahay nila ng parehong basang-basa.

"Jusko naman, Jacob!" Sabi ni manang nang nakita kaming dalawa.

Nagpanic ang mga katulong nila at binigyan agad kami ng tuwalya.

"Hindi ka pwedeng magkasakit ngayong wala si Don Juan tsaka birthday mo bukas." Umiling si manang nang nakitang binigay ni Jacob sakin yung tuwalya niya. Dalawa na ang tuwalya ko.

Kumuha sila ng isa pang tuwalya para ibigay kay Jacob. Uminit ang pisngi ko nang nagbulung-bulungan ang dalawang katulong sa likuran ni manang. Hindi ko alam kung sadyang obvious sa mga mukha namin ni Jacob yung nangyari sa kubo o talagang guilty lang ako.

"Naabutan kayo ng ulan?" Tanong ni manang.

"Oo eh. Pero natapos naman namin... yung ano... thesis. Manang, mamaya ko na ihahatid si Rosie, patuyuin ko muna. Este... uh... pahiramin ko na lang ng damit tapos sana patuyuin niyo muna ang damit niya. Baka magkasakit eh."

Nilagay niya ang kamay niya sa tuwalyang nakasabit sa balikat ko. Parang may kurente talaga akong naramdaman! Shet! Malagkit!

"Kung sana dalhan niyo rin kami ng mainit na... uh... soup o di kaya kape." Aniya.

"Saan ba kayo? Sa kwarto mo?" Tanong ni manang nang naka taas ang isang kilay.

Kinabahan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung talagang guilty ako o masyadong obvious.

"Pupunta kami ng kwarto para makakuha ako ng damit para kay Rosie at para sakin. Bababa din kami." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang stairs nang walang pag aalinlangan.

"Jacob... kinakabahan ako. Mukhang alam nila." Sabi ko.

"Guni-guni mo lang yun. Tsaka... ano naman ngayon kung alam nila? Buti ng malaman nila kung sino ang susunod nilang magiging amo."

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon