Kabanata 30

1.6M 42.3K 16K
                                    

Kabanata 30

Friends With Benefits

Hindi yun ang first time ko sa paghalik. Syempre halos humantong nga kami ni Callix noon sa dulo... LOL. Etong si Jacob naman ay hindi pa nakakatikim. Ako yung una. Unang lahat niya. Espesyal pakinggan. Hindi ko kailanman inisip na espesyal ako kay Callix noon pero umasa akong sana espesyal nga ako. Alam ko namang nakakailang babae na siya at masyado ng marami experience.

"Rosie," Sinundan ako ni Jacob nang nag walk-out ako sa lagoon.

"Ano?" Sabi ko pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

"Nagugustuhan mo na ba ako?" Tanong niya.

"Oo!" Sinabi ko na lang ng diretso.

Natigilan siya at natulala kaya dinagdagan ko...

"Pero hindi tayo... Jacob, kung hindi mo napapansin ang daming babae diyan ang nagkakagusto sayo... Ang dami-dami. Pwede kang mamili sa buong kaharian ng Alegria. At ayaw kong pagkaguluhan ako ng mga babaeng yun o di kaya naman ay maging laman ng usap-usapan nila-"

Hindi niya na ako pinatapos. Hinalikan niya ulit ako. Ngayon, siya na talaga ang gumabay sa halikan naming dalawa. Grabe, sa sobrang gentle at sarap ng halik niya para akong nahihilo at nalalasing. Tumigil lang kami nang narinig kong pumalakpak sina Maggie at James.

"WHOOOO!" Sigaw nila sa malayo.

"Kayo na?" Sigaw ni Maggie.

Umiling ako at kinuha yung tuwalya sa bag samantalang naka abang si Jacob sa harapan ko at tinititigan ako.

"Ano ako sayo, Rosie?" Tanong niya.

"Kaibigan, Jacob." Sabi ko habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko.

"Kaibigan, Rosie? Ganyan ba sa Maynila? Hinahalikan mo ba ng ganun ang mga kaibigan mo sa Maynila? Huh?" Sabi niya at ginulo ang buhok.

Umiling ako, "Hindi mo kasi ako naiintindihan, Jacob."

"NAIINTINDIHAN KITA! HANGGANG DUN LANG AKO! KAHALIKAN LANG!" At tinalikuran niya ako.

Umalis na siya ng tuluyan.

Kasalanan ko 'to. Alam kong first time niya 'to at siguradong naguguluhan na siya ngayon. Ang problema ay ako.

"Jacob!" Tinawag ko pero di siya lumingon.

Patuloy siya sa pag wa-walk-out.

Tinext ko na lang:

Jacob, di pwede kasi maraming masasaktan.

Reply niya:

Mas pipiliin mong ako yung masaktan, ganun ba?

Napabuntong-hininga ako at tinype:

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon