Kabanata 17

1.5M 44.2K 8K
                                    

Kabanata 17

Hindi Matangal na Ngiti

Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Jacob na aasikasuhin namin yung thesis namin ngayong iniwan niya lang ako sa classroom. Pagkalabas ko, nakita ko si April na nakasandal sa dingding ng classroom namin. Napatingin tuloy ako sa paligid.

"A-April? Kanina ka pa diyan?"

Tumingin siya sakin nang nakangiti. "Hinihintay kita... Uhmm... Uuwi ka na ba?" Tanong niya.

"Siguro. Sabi ni Jacob gagawin namin yung thesis pero umalis na siya eh. Practice siguro ng banda. Bakit? Ikaw?"

"Hindi pa eh, may pag uusapan pa kami ni Mrs Gonzalo." Aniya.

Tumango ako.

Si April kasi halos top sa lahat ng subjects. Well, kita niyo naman yung 'look' niya. Nerdy type kaya totoong nerd siya. Marami pang dalang books lagi na paminsan-minsan ay nakikita kong dala ni Jacob.

"Tsaka... sorry pala ah? Magpa-practice ba kayo ng cheering?" Tanong ko.

"Yep. May sinabi nga pala si Mrs Gonzalo sakin. Aniya mag ready ka na daw ng isang long gown tsaka sports attire." Aniya.

"May talent portion ba?"

"Wala. Yung show-off lang nung sports yung 'talent portion'."

Tumango ako, "Sige." Pero kinakabahan at may mga butterflies na sa tiyan ko.

"Wa'g mo ng hanapin si Jacob." Ngumiti siya ulit.

"Bakit?"

"Umuwi na yun." Aniya. "Sa bahay yata nina Leo sila magpapractice."

Pumunta din siya kay Mrs Gonzalo at ako naman ay dumiretso na sa gate. Syempre, totoo yung sabi ni April. Close sila ni Jacob kaya alam niya kung nasaan ang kumag. Wala din sila sa mga bandang nagpa-practice sa mga classroom at mas lalong wala siya sa court. Panay pa ang mura ng coach nila dahil wala na naman daw si Leo at si Jacob!

Umiling ako palabas ng school at muntik nang mapasigaw nang may humila sa bag ko. Natigilan ako sa pagsigaw dahil nilagay niya ang index finger niya sa lips ko.

"Shhhh..." Aniya.

Ang lapit naming dalawa at di ko maiwasang mamula sa kakaisip sa distansya namin. Parang tulad lang nung kanina sa field ah?

Bumitaw siya nung narealize niya ang lapit namin sa isa't-isa at tumingin sa malayo.

"Ano ba?" Sabi ko. "Muntik na akong magka heart attack!"

"Li ka na!" Sabi niya.

"Hinahanap ka ng coach mo sa loob!" Sabi ko.

"Bukas na ako mag papractice sa basketball! Tsss! At bukas gagawin mo yung thesis habang naghihintay matapos ang practice ko."

"Huh? Busy ako no! Busy ako sa Ms Intramurals kung saan ikaw ang naglagay sakin."

Galit parin pala siya kasi nakita ko ang inis sa mga mata niya, "Mas importante pa ba yan sa thesis?" Sabay tingin niya sa malayo para maghanap ng tricycle.

"Tsaka... anong ginagawa mo dito? diba dapat nag papractice ka sa banda? Ba't ka nandito?"

"Eh ano pa po ba? Hinihintay ka!" Para bang ang-tanga-ko-kasi-di-ko-alam yung tono niya. "Si April? Di mo ba ihahatid?" Tanong ko.

Galit na naman siya dahil sa tanong ko, "Kukunin siya ng tatay niya. Kinukuha naman siya araw-araw o di kaya umuuwi mag isa."

"At ako? Kinailangan ko pa talagang ihatid? Kaya kong umuwi mag isa!" Galit narin ako kahit gusto ko naman talagang ihatid niya ako nang makasama ko pa siya.

"Hindi mo ba nakita yung reaksyon ng mga kaklase natin kanina? Baka nga inabangan ka na ng mga yun eh at popormahan ka pa." Tumingin siya sa paligid.

Wala namang lalaki dun eh. May grupo pa nga ng mga babaeng nag bubulung-bulungan at tumitili habang tinitignan si Jacob. Para bang wala ako sa tabi niya. Hindi niya ito pinansin at pumara na ng tricycle.

"Tsaka, papunta din naman ako kina Leo eh. Idodrop ka ni manong sa inyo tapos diretso ako kay Leo." Sabi niya habang nag iisip.

Ako naman, nawe-weirduhan talaga ako sa acting niya. Concern ka lang yata eh! Denial pa!

"Ano?" Tanong niya nang nakatitig ako sa kanya habang umaandar ang tricycle.

"Ba't ka ba galit?" Tanong ko. "At anong problema mo kung pormahan nga ako ng mga kaklase natin?"

Ginulo niya ang buhok niya.

"Kalimutan mo na nga yun!" Di siya makatingin sakin. 

Kalimutan? Hindi ko makalimutan ang mga sinabi mo! Yun lang yata yung nagustuhan ko dito sa Alegria eh. Ikaw lang yata ang dahilan kung bakit nandito parin ako (except lang sa matinding kahirapan kaya di makabalik ng Maynila).

"Bakit? Bakit ayaw mong pormahan ako ng iba?" Tanong ko ulit.

"Anong problema mo eh basta ayaw ko?" Inis na inis na talaga siya na tumingin na lang siya sa labas para talikuran ako.

Inirapan ko siya. Weh? Hindi matanggal ang ngiti ko. Tahimik kaming dalawa at tunog lang nung tricycle ang naririnig. Agad kong inayos ang mukha ko nang bigla siyang lumingon at...

"Basta! yung thesis bukas ah?... Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

"Eh bakit? Masama bang ngumiti? Tsaka ikaw? Anong gagawin mo sa thesis natin eh nasa basketball practice ka pala bukas." Sabi ko.

"Susunod lang ako sa library. Early dismissal mula bukas para sa activities." Aniya pero laman ng mga titig niya ang paghihinala kung bakit nakangiti ako kanina.

Hindi ko tuloy maayos ang seryoso kong mukha at napapangiti ulit. Nakatitig pa siya. Di ko na lang siya tinignan.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon