treinta:

80.8K 1K 68
                                    

"Oh ano to? Trabaho na naman?" sabi ni Jed habang hawak ang mga files na nasa desk ko kanina.

"Akin na nga. Stressed ako kaya kailangan ko magtrabaho." sabi ko habang pilit na inaagaw yung files kay Jed.

Pilit namang itinataas ni Jed yung files at inilalayo sa akin para hindi ko maabot.

"Ang weirdo mo naman mastressed Elize. Sa lahat ng kakilala ko ikaw lang ang ganyan mastress, nagtatrabaho. Yung iba nga ayaw magtrabaho dahil ayaw ng stress tapos ikaw ganyan?"

"Bakit ba? Eh sa ganito ako nasanay ee."

Huminto sya sa pagtataas ng files at tumingin sa mga mata ko. Hindi ko din alam pero hindi din ako nakagalaw at nakatingin lang din sa mga mata nya. Uni-unti nyang inilalapit ang mukha nya habang wala naman akong ginagawa.

"Edi ibahin natin."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya pero nakatingin pa rin ako sa mga mata nya . Ano bang ibig nyang sabihin?

"Ganito oh!" sabi nya saka nya inilapat ang labi nya sa labi ko na ikinagulat ko.

Pareho kaming nakadilat at nakatingin sa mata ng isa't isa. Napapikit na lang ako ng sinimulan nyang igalaw ang mga labi nya na sinabayan ko naman.

"Effective ba?" Sabi nya pagkatapos nyang putulin ang halik namin.

Hindi ako nakapagsalita, gulat pa din kasi ako sa ginawa nya. Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi at iniharap sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin habang nakatulala lang ako sa kanya.

"Mukhang effective, hindi ka na nakapagsalita ee." sabi nya ng nakangiti at tatawa-tawa.

Hindi pa ako nakakapagmove-on ng halikan nya ulit ako ng paulit-ulit, yung smack.

"Okay na?" Nakangiti pa ring sabi nya.

Gulat ako sa ginawa nya pero hindi ako galit sa halip napangiti na lang ako.

"Baliw talaga to!" nahihiyang sabi ko.

Tumawa sya sa sinabi  at reaksyon ko.

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon