13:>>

107K 1.7K 30
                                    

After nung confession ni Harve naging mas close kami. Siguro kasi wala ng restraints sa part ko at sa part nya. Alam kong hindi ko masasaktan si Ashley at hindi na inaalala ni Harvey na ginagamit nya ko. Mas naging komportable kami sa isa't isa, nasasabi na namin kung anong gusto naming sabihin gaya nang kung gaano ko sila kagusto na magkatuluyuan ni Ash at kung gaano sya humahanga kay Ashley. Nakakaloka nga lang kasi, halos all through out kapag magkasama kami puro si Ashley ag pinag-uusapan namin. Syempre, bini-build up ko si bestfriend dahil bet ko talaga na maging sila Madalas din akong mapaisip kung pano ko sila mapapaglapit dahil tameme na naman si Harvey. Ewan ko ba sa lalaking to, ang gwapo gwapo pero ubod ng torpe! Kagaya ngayon pinipilit ko sya na lapitan si Ashley pero nahihiya daw sya. 

"Eh Harv, ano bang nangyari nung last time na sinet-up ko kayo ni Ashley?" tanong ko sa gitna ng pamimilit ko sa kanya. Sinet-up ko kasing dalawa pero mukhang walang nangyari dahil hindi pa din makalapit si Harvey kay Ashley.

'Ano.... iyon okay naman." Sagot nya na parang pinipilit na ewan.

"Ah basta pagbutihan mo ah?"

"Oo ginagawa ko naman lahat para mapalapit sya sa akin, sya lang naman ang layo ng layo."

"Ohhh. Sige akong bahala. Basta galingan mo, nahihirapan na ko sa inyong dalawa eh. " 

Napayuko sya at tumango. Magsasalita pa lang sya nang may dumaan na grupo ng kababaihan na malakas na nag-uusap. Kaya napahinto kami.

"Diba si Harvey Francisco yun?" turo nung isang babae na kinikilig pa.

Napailing ako, Harvey and his effects on girls. Kaya hindi ko maintindihan kung anong ikinakatorpe nya eh.

 

"Bakit kasama na naman nya si Elize?" curious na tanong nung isa pa sa mga kasama nya.

 

"Totoo kaya yung sabi nila na girlfriend na daw ni Harvey si Elize ayaw lang nilang sabihin dahil makakasira sa career yun ni Harvey, lalo na at buntis si Elize."

 

"Eh diba si Jed naman ang tatay nung bata?"

 

"Ewan ko ha!" 

 

Tama ba namang magchismisan sa harap namin? Medyo nakakahiya naman samin diba? Napapailing ako sa usapan nila nang hawakan ni Harvey ang kamay ko na nakapatong sa la mesa. "Sorry ah, nadadamay ka pa. Naiissue pa na dinedeny kita dahil sa media." 

Natawa ako, baliw talaga si Harvey! "Hindi no, ako  nga ang dapat magsorry eh. Dahil sa akin kung ano-ano ang pinagsasabi nila sayo."

Ngumiti lang sya at umiling tsaka nya ko inalalayan para umalis na dun.

Sa totoo lang dahil sa pagkapopular ni Harvey, hindi maiwasan ang mga ganyang eksena. Hindi ko naman sila masisisi dahil nasa showbiz nga si Harvey. Pasalamat na lang ako at walang issue na lumalabas sa press kung hindi, baka mabali ako. Jusko! Masyado na kong madaming problema para makigulo pa sakin ang buong Pilipinas.

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon