6:>>

116K 1.5K 7
                                    

Tuwing naiisip ko yung huli naming pagkikita ni Jed--dahil busy na naman sya kaya hindi kami nakakapagkita--hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit ganun ang mga mata--malungkot. Pero sa tuwing maiisip ko lahat ng nangyari nung araw na yun hindi ko mapigilang mapangiti, gaya ngayon. "Aba si Ineng, ngiting-ngiti." Bati ni Tita Anne. Hindi ko namalayan na nandito na pala sya, yan tuloy naabutan nya kong mukhang tangang nakangiti. Si Jed kasi, minsan tuloy hindi ko mapigilang mapaisip kung maganda pa ba ang epekto nya sakin kasi palagi na lang akong ganito--biglang napapangiti.

 Nakangiti pa din akong lumingon sa kanya. Hindi ko kasi mapigilang mapangiti kahit na alam ko na hindi na dapat dahil mukha na kong tanga dito--ngumingiti ng walang dahilan--pero maisip ko pa lang si Jed napapangiti na ko. Kaya hayaan na, ganun talaga eh.

Pero nang mapatingin ako kay tita Anne biglang naglaho ang ngiti ko. Nakadama na naman kasi ako ng guilt. Biglang bumalik sa akin kung paano ko sinira yung tiwala nyang binigay sa akin at kung paanong hanggang ngayon niloloko ko pa din sya dahil hindi ko pa din nasasabi sa kanya ang nangyari. Alam kong nasira ko na ang tiwala nya at hindi na yun mababalik dahil lang sinabi ko kung anong kasalanan ko, but that is the least that I can do. I did wrong so I must have the courage to face the consequence of my actions.

Nakangiti sya, halata sa mukha nya kung gaano sya kasaya para sakin. At sa kada minutong tinitignan ko sya mas lalong humihigpitan ang pagkakapiga sa puso ko. Gusto ko ng sabihin pero natatakot ako kahit na alam ko na kailangan kong harapin ang ginawa ko.

"Oh? Dumating lang ako nag-iba na yang mukha mo. Ayaw mo ba talaga akong makita? Ang tagal na nga nating hindi nakakapagbonding dahil busy ka sa prince charming mo tapos ganyan ka pa sakin ngayon? Nakakatampo ka na Elize." Nagtatampong sabi nya.

Napansin nya siguro ang pag-iiba ng ekpresyon ng mukha ko kaya nya nasabi yun. Pero hindi naman yun ang intensyon kong iparating. Nagi-guilty lang talaga ako and the guilt is eating me inside. Hindi ko alam kung paano ko papakiharapan ang tita ko. Nahihiya ako sa kanya dahil hindi ko napahalagahan ang tiwalang binigay nya sakin, and I know how much of a disappointment is that .

 Pinilit kong ngumiti at tumawa habang nagdadasal ako na sana hindi nya mapansin ang pagpipilit ko dito, "Tita naman! Syempre hindi. Nagulat lang talaga ako kasi hindi ko naman alam na nandyan ka na pala. Bigla ka na lang kasing nanggugulat, wala ka man lang warning nasa kalagitnaan pa naman ako ng pagde-day dream sa aking Prince Charming."

Napatawa sya pero alam ko na napansin nyang may mali. Sa tagal naming magkasama kabisado na namin ang isa't isa na alam na agad namin kung may mali sa tono pa lang ng boses, kilos ng mata, o ekspresyon ng mukha. Kaya alam kong hindi nakaligtas kay tita kung paano ko pinilit na ayusin ang sarili ko. Laking pasalamat ko na lang na hindi nya na yun sinabi. Handa akong sabihin kay tita ang kasalanan ko--lahat lahat--pero hindi pa ngayon.  

 "Naku! Dalaga na talaga ang baby ko. Baka hindi magtagal nito magka-apo na ko ah?" Nanigas ako sa sinabi nya. Iyon ang isa sa mga bagay na hindi ko inaasahan na lumabas sa bibig nya at sa lahat naman kasi ng bagay bakit iyon pa ang nasabi nya? Napaisip tuloy ako kung paano kung may nabuo nga kami ni Jed, anong gagawin ko? Pero agad ko din yung ipinagwalang bahala dahil alam ko na gumamit ng proteksyon si Jed. Hindi naman sya pabaya para makalimutan yun, alam naman nya na hindi pa kami handa sa ganun kabigat na responsibilidad kaya maingat sya nung ginawa namin yun. "Biro lang, ano ka ba? Nanigas ka na dyan." tatawa-tawang biro nya na pinilit kong tawanan na lang din. "Oh sige hija, tell me about Jed. Gusto kong makilala ang lalaking nagpapatibok sa puso ng pinakamamahal kong alaga." 

Natahimik ako sandali tsaka ako napangiti. Hindi kasi ako sanay na makipag-usap sa tita ko tungkol sa ganito, pero siguro naman may karapatan syang malaman ang tungkol sa lalaking nagpapabaliw sakin bawat minuto ng buhay ko.

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon