Finale

181K 4.8K 730
                                    

FINALE

More than a year ago...

            "SHE TOLD me na ginawa ko daw siyang rebound! Goddamnit! Hindi ko naisip iyon kahit kailan!" sigaw ni Ramses out of frustration.

            Kasama niya ang mga pinsan ngayon sa kusina ng bahay ni Charlie. Hindi niya kaya ang biglaan na lang panlalamig at pakikipag-cool off sa kanya ni Crystal Jane. Nababaliw siya sa kaiisip kung anong gagawin. Isang linggo lang daw! Anong isang linggo? Lang? Hindi niya nga kayang hindi ito nakikita kahit isang araw lang!

            "Calm down, Ramses." Napahilot si Kuya Gideon sa sentido nito dahil kanina niya pa sinisigaw ang pagka-frustrate niya sa nangyayari sa kanya. "Ipaliwanag mo na lang sa kanya ng mabuti ulit. Try to confess everything right from the start."

            "Oo nga," sang-ayon ni Charlie habang naghihiwa ito ng kamatis. Hindi nito inaalis ang tingin sa ginagawang paghihiwa. "Pero kasi lahat naman ganoon ang iisipin dahil wala pa kayong three months nang maghiwalay ni Nia. Alam mo naman iyong three-month rule, di'ba?

            Nagsalubong ang kilay niya. "Fuck that three-month rule! Kasalanan ko bang ayos na 'ko pagkatapos ng dalawang buwan at hindi ko na napigilang magkagusto kay Crystal Jane? The fuck! Papatayin ko kung sino mang nagpasok ng ganoong idea sa utak ng girlfriend ko! Alam kong hindi maiisip ni Crystal Jane iyon. She never thinks worst about people kaya sigurado may lumason sa utak niya!"

            Gigil na gigil siya. Sisihin niya ang lahat! Galit siya. Pero hinding-hindi siya magagalit sa ginawa ni Crystal Jane. Somehow, he can understand her. Ngunit nakita niya kagabing sarado na ang isip ni Crystal Jane sa kung anong sasabihin niya. Malaman niya lang talaga kung sino ang nagpasok ng basurang logic na iyon sa utak ng girlfriend niya, kakasuhan niya iyon ng libel!

            Kumuha ng mansanas si Reynald sa ref ni Charlie at kinagatan iyon. "At some point talaga hindi siya naging panakip-butas?" tanong pa nito.

            Umiling siya. Nanghihinang napasandal siya sa kitchen bar counter. He ran his hands through his hair. "Sa tingin niyo ba, hindi ko na iyan naisip noon bago ako umamin sa kanya na gusto ko siya? Sa tingin niyo ba, hindi ko in-assess ang sarili ko kung ginagawa ko nga ba siyang panakip-butas?"

            "Hindi," singit ni Dylan na binabato-bato sa ere ang isang buong kamatis. "Kapag nagpapadala ka kasi sa emosyon mo, hindi ka na nakakaiisip ng tama minsan. Ay. Madalas pala." Ngumisi ito. "Nang oras na nasa tabi mo siya nang nagluluksa ka pa sa paghihiwalay niyo ni Nia, baka nadala ka lang sa presensiya ni Crystal Jane at nakumbinsi mo ang sarili mong mahal mo na siya. You see, simple logic, Ramses. Iniwan ka ng babae. Masakit iyon sa'yo. At may isa nang babaeng nakita mong hindi ka iiwan. So you'll stick with her. Not necessarily that you're in love her. Minsan attached ka lang."

            "Wow! Such wise words from a playboy!" tukso ni Charlie kay Dylan. Binato ni Dylan dito ang kamatis na nasalo naman ni Charlie at hiniwa na nito. "Pero may point siya, Ramses."

Padabog na hinampas niya ang isang kawali dahil hindi siya nakukuha ng mga pinsan niya.

"Hey! Huwag mo ngang sinasama sa galit mo ang kawali ko!" saway ni Charlie sa kanya.

"Damn it! It's the other way around, alright? Hindi ako 'nadala' lang ng pagka-attach ko kay Crystal Jane nung mga panahong depressed pa 'ko sa paghihiwalay namin ni Nia." Napabuntong-hininga siya. Mukha ngang hindi naman talaga siya ganoon ka-miserable sa paghihiwalay nila ng dating nobya. Parang "obligado" na lang siyang ma-depressed nang mga panahong iyon. Why? Nia's been his girlfriend for years. Ngunit tinanggihan na nito ang alok niyang kasal, pinamukha pa nito sa kanya na hindi na siya nito mahal. Ego na lang yata ang natamaan sa kanya. But then, he had to be "depressed".

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon