Chapter Nine

165K 4.2K 438
                                    

CHAPTER NINE

NAGAWA ngang makasalo ni Crytal Jane sa hapunan ang pamilya ni Ramses. And just like the night with her parents, naging maganda rin ang gabing iyon para sa kanila.

Both of Ramses' parents were lawyers, ngunit ang ina ni Ramses ay matagal nang hindi pina-practice ang pagiging abogado magmula nang magkaroon ito ng mga anak. Instead, Atty . Hera Anderson-Avilla became a full time mother. She guided Ramses and River from their pre-school years up until now.

"Nagagamit na lang ni Mama ang pagiging lawyer niya kapag nag-aaway sila ni Papa,"nakangising sabi ni Ramses habang nililibot siya nito sa malaking bahay na kinalakihan nito. "When they fight, you won't hear them. But when you saw them and listen well, parehas lagi silang may pinaglalaban. However, after the fight, the next thing we knew they are already making up...so, one way of another nagkasalubong din ang 'parallel' opinions nila."

Napatangu-tango siya at saka napangiti. "Both you're parents are wonderful."

"Really?" Natawa ito. "Hindi ka ba naingayan sa'min kanina, sunshine?"

Sa hapunan kasi kanina ay sabay-sabay na nagsasalita sina Tito Henry-Ramses' father, Tita Hera, and Ramses. Ngunit kahit ganoon ay nagkakaintindihan ang mga ito at kapag nagsimula nang magbatuhan ng opinyon ay walang nagpapatalo sa tatlo.

Dahil hindi naman siya nakakasabay sa mga pinag-uusapan ng mga ito, tahimik lang siya minsan at nakikinig. Fruitful naman ang pinag-uusapan ng mga ito at laging may sense kaya masarap din makinig.

"Hindi naman. Nakakatuwa nga kayo. Kahit sabay-sabay na nagsasalita, nagkakaintindihan pa rin kayo," humahangang sabi niya. "Ibig sabihin, hindi lang kayo basta salita ng salita, nakikinig din kayo sa isa't isa. Mabibilis niyang nako-comprehend ang thoughts. You are all smart."

Nagkibit-balikat ito. "Nakasanayan ko na lang rin siguro makisabay kanina Papa."

"Pero si River kanina, tahimik lang talaga siya. Narinig ko lang siyang nagsasalita nung binati niya 'ko saka kapag may inuutos siya sa maid." Doon pa rin kasi nakatira ang bunsong kapatid ni Ramses kaya nakasama nila sa hapunan. Ngunit umalis din si River right after dinner dahil may pupuntahan daw ito.

"Naiingayan siya sa'min kaya hindi siya sumasali sa usapan. But he's always listening and absorbing every ideas. He does not really speak much. Ang rason niya, bakit pa siya magsasalita, eh, lahat na ng puwedeng sabihin, nasabi na naming tatlo nina Papa at Mama. Kaya makikinig na lang daw siya."

"Napansin ko kanina, kapag nagsasalita siya, tumatahimik kayo nila Tita."

Tumango ito at inalalayan siya sa siko habang umaakyat sila sa hagdanan papunta sa third floor kung nasaan ang kuwarto nito nang kabataan pa nito. "He's always quiet and lets us speak all the time. Kaya kapag siya naman ang may sasabihin o ikukuwento, we listen to him and won't interrupt his speech."

"Give and take, I see." Nakakatuwa talaga ang pamilya ng mga ito. Katulad niya, lumaki sa maganda at magalang na environment sina Ramses. At nakita niya rin kung saan posibleng nagmana sa kalambingan si Ramses-kay Tito Henry.

Napansin niya sa mga mata ng ama ni Ramses ang kislap sa tuwing titingin kay Tita Hera, ang mga pasimpleng paghaplos nito sa kamay ng asawa at ang mga panaka-nakang paghalik nito sa kamay ng asawa kapag akala ng dalawa ay walang nakatingin sa mga ito.

Then, when they were eating some dessert, she caught Ramses' father mouthed "I love you" to his wife out of nowhere. Nag-blush pa nga si Tita Hera at nginitian ang asawa ng matamis. Amidst their age, kinilig si Crystal Jane sa napakasimple ngunit napaka-sweet na gesture na iyon.

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon