Chapter Seven

157K 4.1K 416
                                    

CHAPTER SEVEN

HALATANG hindi nakatulog ng maayos si Ramses nang mabungaran ito ni Crystal Jane sa labas ng unit niya. Pagkabukas na pagkabukas niya pa lang ng pinto ay nandoon na agad ito at naghihintay sa kanya.

"Ahm, good morning..." Bati ni Crystal Jane rito. She pressed a smile. "A-Ang aga mo naman, Ram..."

Matipid din itong ngumiti. "I'm just excited to see you," seryosong sabi nito habang nakatingin sa kanya.

She felt her face blushed. Napayuko siya ng bahagya at pinatuloy ito. Pagkapasok nito ay sinara niya ang pinto.

Pagkalingon niya ay napasinghap siya nang hinigit siya payakap ni Ramses nang walang anu-ano.

"I was thinking of you the whole night," His raspy voice whispered.

"R-Ram..."

Mas humigpit pa ang pagkakalibot nito ng mga braso sa baywang niya. "Naisip ko baka natakot kita kagabi dahil sa mga biglaang sinabi ko...I'm sorry, sunshine. I just don't know how to hide what I feel for you."

Napapikit si Cystal Jane at hinayaan na lang ang sarili na yumakap din dito. "Hindi ako natakot, Ram. Nagulat, oo. You don't expect me to believe it right away. I mean..." Bahagya siyang humiwalay rito ngunit hindi siya nito tuluyang pinakawalan. She sighed. "Kagagaling mo lang sa break-up, Ramses. Pagkatapos, tayong dalawa lagi ang magkasama. Baka nga nadadala ka lang."

Tumitig ito nang matagal sa kanya. Pagkuwa'y umiling iling ito. "I know what I'm feeling, Crystal Jane," matatag nitong sabi. Pagsalubong niya sa mga mata nito ay hindi nawawala doon ang determinasyon na mapaniwala siya sa sinasabi nito. "However, I understand your part."

"Thank you."

"Let me court you."

Napaamang siya rito. "W-What?"

Hinaplos nito ang pisngi niya bago pakawalan ang baywang niya. "I'll prove to you that my feelings are real. Afterall, you're worth pursuing, sunshine. I won't mind making efforts just for you."

Napakurap-kurap si Crystal Jane. Hindi niya inaasahan iyon. Liligawan siya ni Ramses? Hindi ba ang panliligaw ay para mapaibig ng isang lalaki ang babae? Ngunit siya, matagal nang nabihag nito...

"Ram, h-hindi naman kailangan..." Napayuko siya. "I mean, wala ka naman kailangang i-prove..." She closed her eyes again. She made prayed last night. And she has made a decision.

Ramses lifted her chin. Napadilat siya at nagsalubong ang mga tingin nila.

His eyes-although weary because of his lack of sleep, twinkled. "You believe me?"

Ngumiti siya rito at marahang tumango. "Totoo naman ang mga nasabi mo kagabi na...sa nakalipas na mga araw, iba na ang kinikilos natin-we might be aware of that or not. Still, it's undeniable for the both of us."

From his serious face comes a wide smile on his lips. "Y-You like me, too..."

I love you. "Y-yes... So, I thought that...." Napayuko na naman siya. But Ramses lifted up her chin again.

"Don't look down, sunshine. I want to see your eyes."

She bit her lower lip. "S-Sorry..." kabadong sabi niya. "H-Hindi ko kasi alam kung paano ba sasabihin na..."

Ayaw bitawan ni Ramses ang baba niya at talagang tutok na tutok ito sa mga mata niya. Kitang-kita niya ang pag-aasam sa mga mata nito nang magandang sagot mula sa kanya.

"G-Gusto ko rin," she finally said.

"Na?"

"Gusto ko ring maging tayo. I..." She shyly smiled. Umagang-umaga ngunit hindi na kumalma ang puso niya mula nang pagbuksan niya si Ramses ng pinto. "I wanna try to be with you, also."

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon