Chapter Eight

167K 4.3K 420
                                    

CHAPTER EIGHT

MAAGANG nagising si Crystal Jane isang araw para mag-deliver ng ice cream orders. Nagkataong ang customers niya for that batch are all from Makati.

Kaya naman ang plano niya'y matapos ang pagde-deliver before lunch. Para naman makadiretso siya ng Taguig. It's not Sunday but she missed her parents already kaya bibisitahin niya ang mga ito. Although, she's not sure kung makikita niya ang Daddy niya dahil baka nasa trabaho ito. But at least, she can bond with her mother and then wait for his father to come home.

Nilagay niya ang thirty pieces na tig-iisang galon ng ice cream sa service cart niya. Pagkatapos ay lumabas na siya ng condo habang tinutulak iyon. Nakakatatlong hakbang pa lang siya nang may humapit sa baywang niya at binigyan siya ng halik sa sentido.

Napangiti siya at napatingala rito. "Ramses."

"Leaving too early? Six AM pa lang, sunshine."

Napahinto siya sa paglalakad. "Oh, hindi ko ba nabanggit sa'yo na maaga akong magde-deliver ngayon?"

Umiling ito. Napansin niyang hindi pa ito nakahanda papasok sa trabaho. Sabagay, masyado pa kasing maaga. Usually, nag-aayos si Ramses ng seven AM dahil nine AM pa naman ang pasok nito sa law firm. It has been four days nang magbalik ito sa trabaho.

"Maaga akong magde-deliver para by lunchtime na sa amin na 'ko. Gusto ko kasing dalawin sina Mommy." She apologitically smiled. "Dapat sinabi ko sa'yo iyon, right?"

"Well, hindi naman lahat ng kilos mo dapat alam ko. But, yes. I like to know kung saan ka pupunta, anong oras ka aalis, uuwi, at sinong kasama mo. Para hindi ako mag-aalala."

Unang beses kasing magkaroon ni Crystal Jane ng nobyo. At kahit more than a week pa lang sila ay hindi siya masyadong sanay na laging ipaalam rito ang mga gagawin niya. Ngunit dapat na niyang tandaan iyon para nga naman hindi mag-aalala sa kanya si Ramses. Tutal, kapag ito ang wala, kusang nagte-text ito kung nasaan ito at kung anong oras ito makakauwi kahit hindi naman niya tinatanong. And she finds it sensitive of him. Dahil ayaw din nitong mag-aalala siya. And she liked that thought na alam niya kung anong ginagawa nito kahit pa hindi sila magkasama.

"Alright! I'll take note of that. Kagabi ko lang rin kasi naisip nang patulog na 'ko na gusto kong bisitahin ang parents ko. Since wala naman na kong gagawin mamayang hapon, I would like to stay at our house. Baka umuwi na 'ko after dinner," sinabi niya na agad rito ang plano niya para kung hindi man niya maalalang magpadala ng text ay alam na nito.

Tumangu-tango ito. "Gagabihin ka na pala sa pag-uwi. Gusto mong sunduin kita?"

She smiled. "That's sweet of you, attorney. Pero may sarili naman akong kotse. I can manage to drive at night."

Hinawakan nito ang kamay niya at magkasabay nilang tinulak ang cart papunta sa elevator. "I'll wait for you, then. Tumawag o magpadala ka ng text message kapag may problema. Hindi ako matutulog hanggang sa hindi ka pa nakakauwi."

Napangiti na naman siya. "You sound like my parents," she teased.

Nagkibit-balikat lang ito. Hindi alintana ang panunukso niya. "That's called 'boyfriend duties', sunshine."

Bigla siyang may naisip. "Gusto mo, sa amin ka na mag-dinner? Para mapakilala kita kanina Mommy?"

Bumaling ito sa kanya at nakita niya ang pagkislap ng mata nito. "Well, I was waiting for you to say that. Of course! I would love to," nakangiting sabi nito.

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon