● The Answer ● (Because you were all confused)

3K 151 149
                                    

Forget that you read the "Ending Explanation" chap before reading this chapter.

Nagmamadaling tumakbo ang lalake sa looban ng lumang, abandonadong gusali.

Kumaripas sya ng takbo, mabilis na ikinilos ang binti at paa nya upang marating ang paroroonan nya. Sinigaw nya ang pangalan ng pinagmamalasakitan nyang tao hangga't mapaos sya. Hawak nya ang flashlight sa kaliwa nyang kamay, nililibot sa kada madilim na kwarto na mapuntahan nya. Tagaktak ang pawis, basang-basang palad, pusong tumitibok ng matindi dahil sa kaba, napapa-paranoid na sya.

At ng hindi makita ang hinahanap nya, tumigil sya at yumuko, pinatong ang magkabilang kamay sa magkabila nyang tuhod upang magpahinga, habulin ang hininga nya.

Indeed, the game wasn't over.

Pinunasan nya ang pawis nya gamit ang likod ng kamay nya, ini-adjust nya ang mga mata nya ng may matanaw na hindi pamilyar na butas sa sahig sa malayuan. Unti-unti, ginalaw nya ulit ang sarili nya at sinilip ang butas na iyon.

Andoon ang lalake, nakahiga, duguan at walang malay.

"Fuck," Singhal nya at nabitawan ang flashlight na nasa kamay nya sa inis at sa labis na pagkagulat. "Taehyung-ssi!" Sigaw nya, bumabakat ang litid sa leeg.

Ang mas kinabahala nya, may katabing katawan si Taehyung.

Hindi isa.

Hindi dalawa.

Kundi tatlo.

Ang isang lalake na nasa kanan ni Taehyung ay ang lalake na sobrang puti at putla ng kutis, may pink itong buhok at medyo kaliitan. Sa kaliwa naman ni Taehyung, may lalake na nakatirik ang mga mata at mulat na mulat na para bang luluwa na ito, napaatras ng kaunti si Sehun. Kilala nya ang lalake na iyon.

Si Kim Seokjin.

At sa ibabaw ni Taehyung, may nakapatong na katawan. Isang katawan ng estudyante na nakasuot ng uniporme, tanggal ang mga kamay at naliligo sa tuyong dugo. Hindi ito mamukhaan ni Sehun, tanging likod lamang nito ang nakita nya.

Natatakot, nagaalinlangan, nalulungkot at naaawa, nataranta si Sehun at tumakbo upang maghanap ng hagdan o direksyon paibaba. Ngunit pagtapos ng paghahanap at wala syang nakitang daan papunta doon at hagdanan, kumuha na lamang sya ng lubig at itinali ito sa beywang nya. Itinali nya na muna ang medyong marupok na makapal na tali sa paanan ng kahoy na upuan na mukha naman matibay parin.

Dahan-dahan ibinaba ni Sehun ang sarili nya, kada baba nya ay kada rinig nya rin ng pagkiskis ng lubid sa kung anumang bagay na nasa itaas. At sa paglapit nya sa sahig sa basement kung saan may mga patay na katawan, nalanghap nya agad ang nabubulok at hindi kaaya-ayang amoy na ibinibigay ng apat na katawan.

Dali-dali nilapitan ni Sehun ang katawan ni Taehyung pagkatapos nyang tanggalin ang lubid na nakayakap sakanyang beywang, hinihiling na buhay pa ito, dahil sya ang susi. Susi ni Jeon Jungkook. Nilagay nya ang daliri nya sa pulso ni Taehyung at naramdaman nya ang mahina na pagtibok ng puso ng binata. Bumuntong-hininga si Sehun, buhay pa si Kim Taehyung.

Sunod na ginawa nya ay tumawag ng 911, maraming salamat at may tatlong bar ng signal ang signal status nya. Sinabi nya sa rescuer ang address kung nasaan sya at nagmakaawa na bilisan dahil marami ang napahamak. Pagkatapos ng tawag, sunod na ginawa ni Sehun ay ang alisin ang katawan ng batang estudyante sa ibabaw ng naghihingalong Taehyung.

Nanglaki ang mga mata ni Sehun, pamilyar ang mukha ng binatang ito. "Jeon Jungkook?" Nagtataka nyang tanong, tumataas ang balahibo sa takot. Nilakbay nya muna ang paningin nya sa bawat sulok ng basement at napansin nyang maraming libro ang naka-stucked dito. Mga libro na mayroong hindi mabasa na pamagat at saka na sya tumungo sa katawan ng estudyante na nasa ibabaw ni Taehyung pagkatapos.

Taehyung's Death List (BTS)Where stories live. Discover now