◑ Chapter 5 ◑

4.1K 208 224
                                    

Pauwi na si Taehyung, grabe, ang tagal rin ng byinahe nya dahil ang layo nung sementeryo na pinuntahan nila. Salamat nalang kay Jungkook at nagenjoy naman sya, nakalimutan nya ang nangyari kay Jimin kahit sandali lang.

At ngayon, ginugulo nanaman sya ni Jimin. Ano ba talagang nangyari?

Iniling ni Taehyung ang ulo nya ng dalawang beses, madadaanan nya mamaya ang apartment na tinitirhan ni Jimin kasama ang dormmate nito at para bang ayaw na ni Taehyung maglakad dahil alam nyang mapapatigil sya sa oras na madaanan ang tinuturing na bahay ni Jimin.

At hindi nga sya nagkamali, kusang tumigil ang mga paa nya maglakad. Sinara nya ang mga mata nya ng mahigpit at hinarap ang gusali kung saan nakatira dati si Jimin.

Kung saan dati ay pinupuntahan nya para sunduin si Jimin kahit ayaw nya dahil pa-special si Jimin ngunit ngayon, para kay Taehyung, okay lang kung araw-araw nya na sunduin si Jimin.

Ganon ba talaga, kapag nawala yung taong importante sayo syaka mo lang maiisipan na magsakripisyo?

Indeed, the world was cruel and full of despair.

Wala ng kakaway na Jimin sakanya kapag hindi nya ito makita, wala na syang tatawagin na pup, wala ng maiinis na Jimin kapag tinawag syang ganon, wala na din aakbay sakanyang Jimin at yayain syang magtarantado.

Taehyung mocked a laugh, as he opened his eyes after a short laugh, one drop of tears came out from the corner of his left eye.

Tatalikod na sana si Taehyung ng tawagin sya ng ka-dormmate ni Jimin. Pawis na pawis ito, sa fourth floor kasi ang kwarto nila Jimin at wala manlang elevator kaya mahirap ang pagakyat at pagbaba.

"T-Taehyung!" The guy gasped, chest was rising up and down as he grapsed for air. "Jimin wants to give you this."

Taehyung turned his back on the said guy, there he was, biting his lips nervously as his eyes spotted the thing Jimin wanted to give to him.

"Shoes." Bulong ni Taehyung ng napakahina, kinuha nya ng mabagal ang kahon ng sapatos sa kamay ni..

"Jinhwan. Kim Jinhwan. We'd met before, I think you forgot. Pero, ang mahalaga dito ay pinapabigay yan sayo ni Jimin. Bago sya magpakamatay, pinagmalaki nya na nakabili sya ng mamahalin na sapatos."

Taehyung refrained himself from bawling his eyes out in severe sadness surging in his heart.

"Akala ko nga sakanya, kaso sabi nya para kay Kim Taehyung daw." Malungkot na malungkot na paglalahad ni Jinhwan.

Hinawakan ni Taehyung ang shoebox at pinagmasdan si Jinhwan gamit ang nanghihina nyang mga mata. "N-Nakabili sya ng ganitong kamahal? Pano?"

Kinamot ni Jinhwan ang ulo nya. "Ahh, ginamit nya yung payment nya sa pagmomodel. Syaka, alam ko naman na para sayo yan kaya napili ko na ako na ang magbigay in behalf of chimchim. Yun ang sabi nya at syaka pre, marami pa akong lilinisin sa itaas. Una na ako ha?"

Tumungo si Taehyung, wala sa sarili. "Sige, salamat pre."

Ngumiti lang si Jinhwan at naglaho na, iniwanan si Taehyung na gusto ng magwala sa gitna ng kalsada.

Naalala nya, naalala nya yung oras na nanonood sila ni Jimin ng endorsement, nasabi nya isang beses na gustong gusto nya magkaroon ng sapatos na ganoon din kaso nga lang walang budget sya sa pagbili nun. Inasar pa nga sya ni Jimin na bibilan nya ang sarili nya at iinggitin si Taehyung.

Imbes na umiyak, ngumiti nalang si Taehyung at nagpasalamat kay Jimin.

Nagising si Hoseok sa kaluskos na nanggagaling sa bubong ng kusina, kasunod ng kaluskos ay ang paggalabog sa ibabaw ng bubong na para bang may tumatakbo na tao sa ibabaw nito.

Taehyung's Death List (BTS)Where stories live. Discover now