UNPREDICTABLE.2

1.4K 37 19
                                    

Leina's Pov.

Dahil sa sakit. hindi ko namalayan andito na pala ako sa field nagpapaulan sa kawalan. Ge. ayos lang na magkasakit ako.  baka sakaling magbago din ang lahat. magamot ang sakit na damang dama ko ngayon. mawash out lahat ng memories na pinanghahawakan ko at mabura siya dito sa puso ko. wala namang tao sa field. SOLONG SOLO KO. bakit? hindi naman sila baliw para magpaulan tulad ko. 

Nakatayo lang ako. hindi ako nagalaw nang biglang nakaramdam ako ng panghihina. gusto kong umupo. kaso maputik na yung damuhan kaya tumakbo ako sa may locker room nung mga varsities. walang tao. syempre nasa taas na siguro sila. meeting ng clubs. kaya dito na lang muna ako.

GUSTO KONG MAPAGISA. at di ko inaasahan yung ginagawa ko ngayon.

"BAKIT IKAW??!!! BWISIT OH! MAIINLOVE NA LANG SA CHICKBOY PA! KAYA LANG NAMAN AKO NAINLOVE SA KANYA KASI GWAPO SIYA DB? YUN LANG NAMAN YUN DB!!!" SIPA SA LOCKER.

Wala akong pakialam kung masira ko to. dito ko na nga lang ilalabas sama ng loob ko eh kaya kahit dito sana pagbigyan na nila ko kasi nasasaktan yung tao at hindi ko ginusto to.

"BAKIT BA KASI! UMASA ASA PA KO DB?! SINABIHAN KA NA NGA LIAN WAG KANG UMASA PERO ANONG GINAWA MO? UMASA KA NA ANG ISANG TULAD NYA MAIINLOVE SA ISANG PLAIN NORMAL NA TULAD MO?!" sipa sa locker.

Ayoko na. ang tahimik ng buhay ko dati.hindi naman ako nakakaramdam ng ganito dati pero ano? nakilala ko lang siya nakaramdam na ko ng ganito.

"LIAN. BAKIT BA? BAKIT BA??!!! CRUSH MO LANG NAMAN SIYA DB BAKIT KA NASASAKTAN? BAKIT KA NASASAKTAN? ANG SAKIT SAKIT NA. THE FEELING IS MUTUAL. *sniff* TAMA NAMAN EH BAGAY NAMAN SILA. MAGANDA AT GWAPO OH EH DI SILA NA MAGSAMA SILA!!!" sinisipa sipa ko pa din yung lockers konti nalang mapipiyaot nato. PAKELAM KO! sige lang.

"hoy may naglalaba!" may biglang nagsalita. 

MAGLALABA SA SCHOOL? AYOS!

"may tao ba dyan?" sabi ko. hindi naman ako takot sa multo. mahilig nga ko manuod ng horror at creepy movies eh. 

................................................

..........................

............................................

Wala namang sumasagot. baka naman dun yun sa labas ng locker room or basta kung san man yun wala na kong lakas alamin pa.

Sinipa ko ulit yung locker tapos nagaakma na kong suntukin na siya kasi piyaot na pero.

Single By Heart But Doubled For LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin