Sleepyheads! :D

1.7K 41 2
                                    

Leina’s Pov.

Monday na naman, tapos na ang two days vacation .Back to normal na naman,

Hayssssss. Dumating ako ng maaga sa school halos wala pang tao. Paano ba naman si mommy nakalimutan yung book niya eh di daw siya nakagawa ng lesson plan kaya daw agahan namin.

Nadamay pa tuloy kami.

>.<

>.<

Dumating kami ng school ng 6:00 SHARP! Imagine gaano kami kaaga. Hahaha.

Sleepyhead pako,as in. kaya umub ob muna ako sa desk ko.  Maaga pa naman eh.

Hindi naman pipikit tong mata ko eh.

 Hindi noh.

Hindi talaga…………………

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!

Bakit blang-----k.

Wala na K.O nako!

Klein’s Pov.

Ano ba tong nanay ko, nagmamadaling umalis. May flight pa kasi siya pupunta siya ng Palawan.

Asarrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr. Pwede naman kami magcommute ni chi, pero mapilit kaya ayun.

Ginising kami ng 4:45 at umalis kami sa bahay ng 6:00! Ang aga aga!! puyat pa man din ako kagabi. Nanuod pa kasi kami ng sucker punch ni ate last showing na kaya ayun.

Bakit ako pinapahirapan ng ganito ng nanay ko?

Hayssssssss.

“ui, magiingat kayo ha! tawagan niyo ako pag may kailangan kayo 3days lang naman ako dun, klein alagaan mo ate mo ha!” sabi ni mama bago ako bumaba sa kotse niya.

“ma! parang baliktad, si ate kaya panganay!” loko kong sinabi.

Lokong inaantok.

“walang ganun, ikaw lalaki eh!” sabi ni chi.

“whatever!” sabi ko.

“ui sige ha anak, be good! bye iloveyou baby!” sabi ni mama sabay kiss sa noo ko.

She’s the only person who can call me BABY!

Nakakasuka man, pero pag nanay ko nagsabi nun hindi at never magiging yucky sakin yun. Nanay ko kaya yun and I love her so much. Okay! tama na at nagdradrama nako dito. hindi bagay!

“bye ma! ingat ka dun ha!” sabi ko at nagwave na ako sa kanila ni chi. Well, ihahatid pa ni mama si chi sa school niya di kami same school eh, college na kasi yun.

Gurang na NBSB padin. Wahahahha!

Para akong bangag na umaakyat ng hagdan, actually bangag talaga ko. Kayo kaya matulog ng 12:30 gumising ng 4:45 hyper pa din?!

Siguro, kung nagdrudrugs kayo. Hahah. 

At pagbukas ko ng pintuan ng Einstein.

O_O

O_O

O_O

Aba, si seatmate andoon na! nakaub ob sa desk niya.

Inobserbahan ko naman siya.

Naks! ang bango niya ha, Mukha siyang tulog.

Ayosssss to. Matutulog na lang din ako.  Libre namang matulog db, gaya gaya ako eh bakit ba!

Aljen’s Pov.

Medyo late akong makakapasok nito ah, si gemboy kasi yung kapatid ko.

Single By Heart But Doubled For LoveWhere stories live. Discover now