meet the J.E.R.K. :P

2.1K 46 0
                                    

Meet the J.E.R.K. :P

Klein’s Pov.

 “Klein, anak gising na!”

ZZZZZZZZZZZZZZZ

“Klein!”

ZZZZZZZZZZZZZZZZ.

“HOY KLEIN! GUMISING KANA ABA! DAMAY DAMAY TAYONG MALALATE NIYAN!” sabay tulak pa sakin. Aish, agang aga ang ate ko ang ingay na!

“May pagtulak pa talaga Chi??!” Sabi ko habang kinukusot yung mata ko.

“Sipa gusto mo?!”

“Porket black belter ka lang sa taekwondo! Kala mo ha!”

“Sample gusto mo?!” Nagaact siya na parang magtataekwando!

Actually mukha siyang baliw.

Hahaha.

Shhhhhhh! Aish. Hyper na kagad siya maaga pa.

“Mamaya nalang! Wala pako sa mood eh, ikaw naman nasa mood na eh lalo na yang bibig mo!” Sabay kuha ko na nung towel ko sa cabinet.

“Xiōngdì!” Tawag niya sakin.

Half Chinese kasi ang aming napakadakilang nanay kaya nagfefeeling din kami! Hehe.

Si ate lang naman ang chinitang chinita eh, ako?! medyo chinito lang gawa ng nakuha ko ata talaga itsura ng tatay ko. yuck! Pasalamat siya gwapo anak niya! 

Kaya ChI ang tawag ko sa kanya Chinese term for ate, Xiōngdì naman term for brother.

"Chi?!” May kinuha siya sa bag niya ayos tong ate ko! Early bird.

“Xiōngdì! Nalipat ka nga pala ng section.” Sabi niya.

O_O

“…”

O_O

“BAKIT?!” mahinahong pasigaw kong tanong. Meron ba nun? mahinahon pero pasigaw. Oo meron, sakin!!

“May pagsigaw?!” Tanong niya.

Sabi sa inyo eh, hindi nila appreciated yung mahinahong pasigaw ko eh.

“Bakit ako napalipat chi? Jahe, bago na classmates ko?” Mahinahon ko na talagang sabi.

“Ayos lang yung xiongdi! Kasi tumaas yung grades mo last school year that’s why! And good job xiongdi! Keep it up ha.”

Good job daw.

Napasobra ata ako sa kopya eh. Alam niyo na SECRET WEAPON TO SUCCESS YUN haha.

“Nah! meaning sa----?!”

“Yup xiongdi, sa first sec kana, ano nga yun yung Ein----stein ata yun.” Sabi niya, Einstein lang nagdadalawang isip pa siya kung ano yun.

“Ano ba yan chi, ang sikat sikat ni Albert Einstein di mo pa alam kung ano yung section na yun. kinuha nga yun dun kay Einstein eh!”

“Bakit ba! Malay mo may iba pang term, dami dami pang sinabi…” Sabi niya.

Naasar?!

“Asar!! Ayoko naman dun eh, nerdy nerdy mga tao don!” Eh kasi naman, galilei ako last year! Mas okay doon kasi cool mga tao, pero sa Einstein? Mga nerd nerdy ATA tao dun,

ATA lang ha, conclusion yun, hindi opinion.

"Marami kayang maganda sa Einstein xiongdi!”

Single By Heart But Doubled For LoveWhere stories live. Discover now