Chapter Twelve: Lips Don't Lie

1.4K 22 11
                                    

Chapter Twelve: Lips Don't Lie

He really drives me crazy! Panalong panalo siya sa utak ko na wala ng ibang inisip kundi siya lang.

Ugh! Nakakabaliw talaga yung ganitong feeling. Hindi talaga siya maalis sa isip ko. Mula kagabi hanggang ngayon.

Nicolai ... Nicolai ... Tantanan mo na ko please!

Mabilis na kumalat yung balitang secretary ako ni Nicolai. Si Alex ba naman nagkalat eh. Yan tuloy hindi mapakali tong mga migas ko na makita ako at magkwento sa kanila.

 Katunayan pa niyan kinulit kulit nila ko sa chat everytime na masaktuhang online ako. Nakakalusot ako palagi dahil sa conflicting schedules namin pero ngayon wala akong ligtas kay Catherine!

Nasa coffee shop daw siya malapit dito sa office. Break time naman na kaya pinagbigyan ko na siya. Wala si master ngayon, may lunch meeting kaya lalabas na din ako para kitain si Cathy.

 "PAR!!!!!" Cool talaga ng porma ni Cathy. Yung karaniwang suot ng mga trainee na kpop artist tapos naka-korean bun. Inalis niya yung suot niyang shades.

 "Cathy!!!!" nagbeso kami at nagyakapan.

"secretary ka sa lagay na to huh" tinutukoy niya yung suot ko. Bakit masama ba pumorma sa office? Tsaka last day ko na ngayon kaya dapat maganda pa rin ako.

Speaking of last day, hindi ko na siya muling makakasama pa. Hay ang lungkot naman nun. -___-

"ano gusto mong inumin Par?" umupo na ko sa mga upuan na nasa labas.

 "kahit ano"

 "okay" pumasok na siya sa loob ng coffee shop. Pagbalik niya dala na niya yung mga drinks namin. Umupo na rin siya sa tapat ko.

"Cathy, sa tingin mo, anong ibig sabihin kapag ki-niss ka ng isang tao?" I asked out of nowhere.

You Drive Me Crazy All Over Again [BOOK TWO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon