Chapter Ten: Milk Tea

1.5K 28 15
                                    

Chapter Ten: Milk Tea

"aahhhhhh"

nakarinig ako ng pagdaing mula sa kwarto ni Dylan.

kumatok ako sa pintuan. matagal bago niya ako pagbuksan.

 "oh? anong nangyayare sayo? okay ka lang ba?" pumasok na ko sa loob. nakahawak kasi siya sa kanyang tiyan nang buksan niya ang pintuan.

humiga na siya sa kama niya. pagpasok ko palang sa loob, amoy ko na agad ang ointment. ang tapang ng amoy. ang dami niya sigurong nilagay.

namimilipit siya sa sakit nang lapitan ko siya.

"baka naman empatcho lang yan? ang dami kasing kinain eh!" umiling siya.

Kuya Spane treated us kanina sa isang eat all you can restaurant. ayun, ang dami niyang kinain dun. sinulit dahil nga eat all you can, ang ending, masakit ang tiyan. =___=

"tapos idadaan mo dito?" kinuha ko yung ointment sa tabi ng kama niya. tiningnan niya lang ito. "wait nga lang" naglakad na ko palapit sa pintuan.

 "teka, san ka pupunta?"

"basta jan ka lang" lumabas na ko ng kwarto niya.

 sa kitchen ang punta ko. gagawan ko siya ng specialty ko. ang milk tea! ^____^

I soak the tea bag on warm water for about five minutes then I remove it and add milk onto the tea. konting sugar and there, ready to drink na siya.

 inakyat ko na ang cup ng milk tea sa kwarto niya. nakahiga pa rin siya pagbalik ko.

 "here, drink this" I place the cup on his side table.

 "ano yan?" nakatingin siya sa tasa.

 "inumin mo na lang. dali na!" pinilit ko siyang bumangon. sumunod naman siya kaya hinawakan na niya yung tasa.

tumingin muna siya sakin bago niya sinimulang inumin ang milk tea. nakangiti lang ako sa kanya. walang lason yan no! I just wanted to know his reaction.

sa una konting sip lang siya. mukhang ninanamnam pa nga niya eh tapos nun dineretsong inom na niya. excited na ko sa sasabihin niya.

tumitig siya sakin. walang reaksyon sa mukha niya. kumunot ang noo ko. epic fail na ba ang milk tea ko? waaah. T___T

unti-unting gumalaw ang kanyang mga labi showing his cutest smile. nawala ang kunot ng noo ko. ngumiti rin ako. yung ngiting proud.

"paano mo nagawa yun? ang sarap!"

 "secret" I grin.

You Drive Me Crazy All Over Again [BOOK TWO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon