▶Chapter 44◀

38 1 0
                                    

Umuulan,nakikisabay ang langit sa pagdadalamhati ni Jung...

Magtatatlong oras ko na rin syang pinapayungan dito sa tapat ng puntod ng kanyang lola...

Kalilibing lang kasi nito...mga 2 gabi lang ang lamay,hindi na pinatagal pa...

Ang tahimik pa ng paligid,dahil kami na lang ang natitirang tao dito sa sementeryo...

"Lola...huwag kayong mag-alala,magiging mashaya po kaming dalawa..."nabasag ang katahimikan ng bigla syang nagsalita..."Bubuo po kami ng isang mashayang pamilya...lola,magkakaroon na po kayo ng apo sa tuhod"tinitingnan ko lang sya habang nagsasalita...tumutulo na rin pala ang mga luha sa kanyang mga mata."Lola...sayang,hindi nyo na po naabutan ang kasal...ikakasal na po kami ni Xenia..."hinihimas ko na lang ang likod nya para mapagaan ko ang kalooban nya"Bantayan nyo na lang po kami,kung saan man po kayo naroroon ngayon...lola...shalamat sa lahat"Naaawa na talaga ako sa kanya...parang nahahawa na ako,naiiyak ako"Shalamat lola...ikaw po ang nagpatibay ng loob ko,shalamat...sa pag-aalaga,pag-iintindi at pagmamahal...ngayon naman po,oras nyo na para magpahinga...lola,salamat"may tumulo na ring luha sa mata ko...alam kong masakit,masakit mawalan ng taong minamahal...ramdam ko.

"Lola...Sige po...aalish na kami ng girlfriend ko,lumalakash na po kasi ang ulan.Hayaan nyo po,madalas ko po kayong dadalawin dito...paalam na po"inakbayan nya akong bigla..."Sige po,alis na po kami"sabi ko at inakay na nya ako papunta sa kotse nya kung saan naghihintay si Manong Jose.

Pagkapasok namin sa loob,agad syang sumandal sa balikat ko...

"Xenia...huwag mo akong iwan ulit ha?ikaw na lang ang natitira sa'kin..."natahimik ako sa sinabi nya,di ko alam ang magiging sagot ko."Alam mo namang mahal na mahal kita...hindi ko na alam ang mangyayari sa'kin kapag nawala ka pa"I'M SPEECHLESS.TOTALLY."Hihintayin ko ang araw na matutunan mo rin akong mahalin...yung araw na nakalimutan mo na si Lucio"

Dumating kaya ang araw na iyon?Sa tingin ko kasi hinding-hindi ko sya malilimutan...ang taong una't huling magpapatibok ng puso ko.

"Sana...buksan mo ang puso mo para sa'kin,give me one more chance to prove myself to you.."Wow ah...nabasa nya ba ang nasa isip ko?"I love you Xenia...I love you...I wish na sana next time,sumagot ka na rin ng I love you too"

Hindi ko alam...tahimik lang ako...pasensya na.

Ang kailangan ko na lang talagang sigurong gawin ay tanggapin ang sitwasyon ko.Tanggapin ang lahat.Para gumaan na rin kahit papano ang kalooban ko...

Pero kahit isipin kong ganon nga,hindi ko pa rin magawa eh...yung puso ko ang nagdidikta sa'kin na kung hindi dahil sa taong nasa tabi ko ngayon,hindi sana masisira ang buhay ko,hindi sana ako malalayo sa taong tunay kong minamahal...hindi sana magkakaganito...

Kahit pa sabihin ko na okay lang ang lahat...parang hindi pa rin okay.Alam ko sa sarili ko na hindi pa rin okay.HINDI OKAY.

Makukulong ako sa bisig ng isang taong alam kong nakasakit sa'kin ng lubos...taong hindi ko naman mahal.

Pero para sa magiging anak namin,kailangan ko syang mahalin.Dahil hindi ko kayang buhayin ang bata ng ako lang mag-isa.At hinding-hindi ko ipapaako sa iba ang responsibilidad ng kanyang ama.

Kailangan kong gawin ang tama.Kahit pa masakit sa'king gawin yon.

Kailangan...dapat masunod ang kailangan hindi ang kagustuhan.

"Manong Jose...daan tayo sa mall."

"Jung,bakit?anong gagawin natin dun?"pag-uusisa ko...nagulat ako eh,bigla bigla na lang sya magsasalita ng ganon...

Another Lu? (EXO's LuHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon