▶Chapter 21◀

57 3 0
                                    

XENIA'S POV

.

.

.

Hindi ko alam pero...naniwala naman ako sa sinabi ni Lyka.

Pumunta nga ako sa tabing dagat para masigurado,magbakasakali.Sira talaga ang tuktok ko,hindi naman magagawang pumatay ni Lyka...pumunta pa rin ako dito.

At alam nyo ang tumambad sa'kin? Mga taong masayang nagtatampisaw sa dagat.

Wala akong nakitang bakas nya.Bakas ni Lucio.

Marami pa ring katanungan sa isip ko na alam kong siya lang ang makakasagot...itong bracelet ang pinakapinagkakatakahan ko,naalala nyo?yung may X-E-N-I-A...Paano ba kasi ito napunta sa mga kamay nya?

At ang isa pa ay...

Ang nararamdaman ko para sa kanya,gusto ko ba talaga sya?may SPARK ba talaga?Hindi ba dapat galit ako?Dapat natutuwa ako ngayong nawawala sya...pero bakit nag-aalala ako?bakit gusto ko palagi syang makita?Ano na bang nangyayari sa'kin?Tuwing may ginagawa sya napapabilis nya ang tibok ng puso ko...basta alam kong nandito sya ayos na ako.Kahit na palagi ko syang pinagtatabuyan at kinaiinisan,may iba pa rin akong nararamdaman.JONGINA.BALIW AKO.AT SIRA NA RIN ANG PUSO KO.

*sigh*

Imbes na problemahin ko yun ngayon,mas magandang i-enjoy muna ang paligid...ang sariwang hangin,ang malamig na dagat,at mga huni ng ibon.

Maraming masasayang tao sa paligid,tila walang suliraning kinahaharap,mabuti pa sila...

Sa tabi-tabi ay may makikitang mga kubo na may pamilyang nagsasalu-salo,nagkakasiyahan..kailan ko kaya ulit iyon mararanasan?

Nakakamiss ang masasayang araw na kasama ko ang mga mahal ko..

"Hija...mukhang malungkot ka"napalingon ako sa isang may katandaan ng babae na naka-wheelchair.Sya ang kumausap sa'kin.

Parang namumukhaan ko sya.

"Ay,napansin nyo po?ahehe...hindi naman po masyado,marami lang po talagang bumabagabag sa'kin"

"May kamukha ka hija.."Sabi nya sabay hawak sa kaliwa kong pisngi...

"T-talaga po?ah..sino po?"nacurious naman ako,malay ko ba kung artista ang kamukha ko diba?At sya rin naman...pamilyar ang mukha nya.

"Ang unang pag-ibig ng pamangkin ko.."eh?sino naman kaya yun?

"Talaga po?ah...sino po ba yung pamangkin nyo?baka po kilala ko"

"Si JayJay.."

"JayJay?"pamilyar din yung pangalan.

"Naku!napakaguwapong bata nun.At kung umibig yun,wagas na wagas..gagawin lahat para lang sa babaeng mahal nya."

"Ganon po?grabe naman po pala..eh ano pong pangalan ng una nyang pag-ibig?".hehehe..parang nanghihimasok na ako sa buhay nila,ang chismosa ko talaga.

"Sandali..ano nga ba?aalalahanin ko lang hija ah...grabe,kinabaliwan talaga sya ng pamangkin ko samantalang madami pa namang ibang babae na maaari nyang magustuhan.Di ko pwedeng malimutan ang pangalan nun eh..kamukha mo talaga sya"

"Kayo rin po eh..pamilyar po kayo"

"Z ata initial nun?Zi...Ze...Zea?"hindi nya pa rin matandaan yung pangalan...at di nya rin pinansin yung sinabi ko,haha.

Another Lu? (EXO's LuHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon