▶Chapter 18◀

54 3 1
                                    

Baka naman mali ako...marahil nga mali talaga ang hinala ko.

Agad-agad?iisa silang dalawa?Malay ko ba kung magkakilala lang sila at si Lucio yung messenger ni JL.

Yung taong yun?magkakagusto sa'kin?NAKU MALABO!Hindi si Lucio yun!

Pero kahit papano may kinalaman pa rin sya....alam ko may ALAM sya.

Kailangan kong makausap si Lucio.

"Pst!te,pahinging piso..."nagulat ako sa batang yagit na kumalabit sa'kin..NANGHIHINGI NG PISO?

"Bakit?anong gagawin mo sa piso?"tanong ko naman...

"Ipangpapasak ko sa butas ng ilong mo.Dami mo pang sinasabi te,wala ka naman talagang balak na magbigay sa'kin kahit beyntsingko sentimos eh!"

ANO.

"Aba loko ka ah!"aambaan ko na sana sya kaso ang bilis tumakbo eh.Wala pa nga kumaripas na agad.Grabe,nagkalat talaga ang mga loko loko ngayon.Mapabata o matanda.

Balak ko pa naman sana syang bigyan ng lima..LIMANG SUNTOK.Maaawa na sana ako eh!Grabe,walang modo!!!

Teka...nasaan na nga ba ako?

Saan na ba ito?Patay,naliligaw ako ngayon ko lang napansin..

Nakapasok na pala ako ulit sa kalagitnaan ng gubat,di ko namalayan dahil sa kaiisip ko kay Lucio!este...kay JL!Basta sila!!!

Patay ako nito...hindi ko alam ang daan pabalik sa camp site.Di ko nadala ang mapa ni Dora.At may nagawi pa talagang batang yagit dito ah!

"Ay—JONGINA"muntikan pa akong matalisod nitong malaking supot na ito!NYETA.Haharang-harang dito!

Teka..Kahinahinala,ano kayang laman nito?

Syempre hinalungkat ko para malaman.At di ako nagsisi,puro pagkain sa loob!punong-puno ng prutas!

Paano nagkaroon ng ganito dito?

Hulog ba ito ng langit?NAKU!SALAMAT PO!

.

.

.

*someone's crying*

.

.

.

Huh?ano yun?!May umiiyak!na...parang...babae?!Diwata?di kaya...diwata ang nagbigay nitong mga prutas?!lamang lupa?!SHETE.

Binuhat ko ang malaking supot at niyakap ito.Medyo mabigat ha.Pero kaya naman.

Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong nakitang sinuman o anuman...pero ang pag-iyak,lalong lumalakas!

Kinikilabutan ako..hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko pero sinundan ko ang pinagmumulan ng ingay...

Papalapit na ako ng papalapit...

Dahan dahan at unti unti...

Hanggang sa mapagtanto ko na ang iyak ay nagmumula sa likod ng isang malaking puno ng mangga...

Eto na talaga...HINGANG MALALIM.

Titingnan ko na kung sino ang umiiyak...kinakabahan ako dahil baka multo ang tumambad sa'kin pero malakas ang kutob ko na hindi.

Kaya...eto na nga.

.

.

.

.

.

.

.

Another Lu? (EXO's LuHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon