▶Chapter 27◀

45 0 0
                                    

ⓒⓞⓜⓔⓡⓒⓘⓐⓛ
*Ding!ding!ding!dingding!* (Insert MTRCB tone)

Ang mga susunod na mababasa ay maaaring SPG.Striktong patnubay at gabay ng mga nakaaalam ang kailangan.Nirerekomendang maghanda ang mga mambabasa sa mga mangyayari.

Yun lamang po.Maraming salamat sa pang-unawa,mula sa inyong author-Yeseulica
♂___

XENIA'S POV

.

.

.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala akong katabi si Jung.Wow ha,nakayakap pa rin sya sa'kin.Ako ang pinagpawisan sa kanya eh!ang init nya!

Pero ngayon...aba!humupa na...di na gaano.

Sandali!

"9:34㏘ na!naku gabi na pala!baka hinahanap na ako ni Ate Irene"napatayo akong bigla sa kama dahil sa pagkagulat ko nang makita ko ang relo ko.Ito rin ang naging dahilan ng pagkagising ni Jung mula sa mahimbing nyang pagkakatulog.

"Babe...aalish ka na?iiwan mo na ako?"Sabi ni Jung habang kinukusot-kusot pa ang mata.Ako naman,sinusuot ko na ang sapatos ko bilang handa para sa pag-alis...

"Oo Jung eh...gabi na kasi"

"Pwede bang dito ka muna?dito ka na kumain...ipagluluto kita"Akma na sana syang tatayo kaso pinigilan ko.

"Huwag na.Baka mabinat ka pa nyan.Hindi ka pa tuluyang magaling...magpahinga ka na lang muna"

"Iniiwashan mo pa rin ba ako Xenia?"

"Ha?hindi naman.."

"Pwede ba tayong mag-ushap shandali?"hinawakan nyang bigla ang braso ko at tinitigan ako sa mata.Shete.Ano ba Jung?!

"Pero ano kas—"

"Please?*puppy eyes*mag-ushap muna tayo..tumabi ka muna dito sa'kin"bigla syang umupo sa gilid ng kama at pinat ang tabi nito na parang ipinahihiwatig na doon ako maupo.

"Ok.Sige na nga"tapos ay umupo na ako.

"Gushto ko shanang magkalinawan tayo Xenia.Gushto mo pa bang ituloy to?"

"Kung ang pinag-uusapan natin ay ang pagpapanggap...ayoko na.Ayoko nang lokohin ang lola mo.Umaasa syang may TAYO kahit wala naman.Ayoko nang magsinungaling.Ayoko na talagang ipagpatuloy to"

"Xenia...kung ayaw mo na,pwede naman natin itong totohanin eh"hinawakan nya ang mga kamay ko at hinaplos ito...

ANONG IBIG NYANG SABIHIN?

"Anong...sinasabi mo?"

"Nahulog na ako sa'yo Xenia.Mahal na kita.Ilang beses ko nang sinubukang sabihin sa'yo pero parang hindi mo napapansin...Xenia,MAHAL NA KITA"Inilapit nya pa ang mukha nya habang sinasabi ang mga katagang iyon...

MAHAL NYA AKO?! ( O▂o )

Grabe!anong gagawin ko?anong sasabibin ko?Ngayon lang ako naipit sa ganitong sitwasyon.Hindi ko akalaing magugustuhan nya ako...ayoko syang saktan pero,sa paanong paraan ko masasabi sa kanya na...na...na hindi kami pareho ng nararamdaman?

"Xenia...mahal mo rin ba ako?"Patay tayo dyan.

"Ahm...ano...kasi...ah...Jung,s-sorry.Nabigla ako dahil bigla mo na lang ipinagtapat ang nararamdaman mo at...at ano eh,ano kasi..."

Another Lu? (EXO's LuHan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon