Chapter Fifty Four -- Before I Let You Go

11.2K 137 41
                                    

Marami nang nalilito at naguguluhan sa previous update ko...

Uhhhmmm...

Maraming naawa sa kalagayan ni Anne...

Maraming nagalit kay Zeke...

Maraming nainis at naawa kay Jared...

Maraming lumipat sa panig ni Gelo...

Haaay... cge... eto na yung next update para malaman ulit natin yung emotions nyo... kung magbabago ba o lalong lalala...

before casting your votes on the three guys, kindly vote this chapter first... hehehe!!! ^_____^

ENJOY READING!!! ^^

_____________________________________________________________________________

CHAPTER 54

ANNE’s POV

Isa lang ang nasa isip ko sa mga oras na ‘to… Ang magpakalayo… San man ako dalhin ng mga paang ‘to… wala na akong pakialam. Pinagtitinginan na nga ako ng tao dahil sa suot ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng gown? Lalo lang akong nabubwiset! Dumadagdag pa sila! Tsss…

Malayo na rin pala ang narating ko. Di ako pwedeng umuwi sa bahay ng ganito… Isa pa magtataka sila kung bakit pumunta ako ng may nagsundo pero uuwi ako ng walang maghahatid sakin…

San naman ako pupunta ngayon?

“Manong, sa tabi lang po.”

Pano nga pala ako uuwi? Cellphone lang ang nadala ko. Naiwan ko yung purse ko sa table… Hindi na yata napansin nung manong na hindi ako nakapagbayad sa kanya…

Nasa park na ako ngayon…

Ano ba naman yan?! Walang pakisama! Ano pa nga bang aasahan mong makita dito? Malamang puro lovers. Feb. 14 ngayon eh… Naupo lang ako sa may damuhan. Gusto ko sanang humiga kaya lang mejo marami pang tao eh, baka isipin nila may saltik ako. Mukha lang naman kasi akong siraulong naka-gown at kalat pa ang make-up sabay nakatabingi pa yung tiara na nilagay sakin kanina…

Anong oras na ba?

Past 11 na pala…

Gelo… I need you now…

Sa ganitong sitwasyon alam kong alam mong ikaw lang ang inaasahan ko…

<ring>

“Anne! Nasan ka na ba?! Hinanap ko kayo kanina pero si Jared lang ang nakita ko sa playground.”

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon