Chapter Fifty -- Prom Night

11.6K 136 33
                                    

HELLO CHIBIS!!!!

read, vote and comment na!!!

_______________________________________________________________________________

CHAPTER 50 

JARED’s POV

Nasabi ko yun para tumigil na siya sa kahibangan nya… Pero I doubt kung gagawin ko nga…

Tumayo na rin siya tapos nagpasalamat sakin… Akala ko tapos na kaya lang biglang lumabas ng room si Anne tapos tinawag nya…

Z: “ANNE!”

Anak ng tinapa naman!

A: “Bakit?”

Z: “May sasabihin daw sayo si Jared. Sige, alis na ko..”

Damn! Pano ko aalis nito?

J: “Ah hi lil sis..”

A: “Hey kuya! Bakit?”

J: “Ah… Ano… Kasi… May prom date ka na ba?”

A: “Ako? Wala pa. Uhmm.. Bakit?”

J: “Pwede ako na lang?” Geez… Problema na naman ‘tong pinasok ko…

A: “Ah.. Ano… Baka magalit yung partner mo?”

J: “Sino? Si Joyce? Di daw siya makakaattend eh…”

ANNE’s POV
 

Tsk… Ano yun? Reserba ako? dahil sa wala si Joyce at wala siyang makapartner kaya ako yung napili nya? Dahil ba alam niyang hindi ko siya tatanggihan kasi alam niya yung nararamdaman ko para sa kanya?! Bwiseet!

“Sige na Anne… Gusto ko namang makapartner ang lil sis ko sa prom. Baka eto na kasi yung last eh..”

“Huh?! Last?”

“Ah wala yun… Ano? Payag ka ba?”

Tumango na lang ako…

Kainis! Bakit hindi ko magawang tanggihan siya? Jared!!! Naiinis na talaga ako sayo!!! Ang epal mo! Nakakainis ka kasi di ko magawang kalimutan ka!!!

Sa madaling salita… Ako na nga ang promdate nya…

Di ko alam kung tatalon ba ako sa tuwa o ano… Kasi alam ko na namang hindi na kami mag M.U. kasi nga lil sis na lang nya ako.. Pero umaasa pa rin ako na sana magbago yung isip niya at bawiin nya yung sinabi nya noon… at sabihing… ‘Anne… nagkamali ako.. hindi lang pala kapatid ang turing ko sayo,, dahil Anne, mahal kita, hindi bilang isang kapatid kundi bilang isang bahagi ng buhay ko na kukumpleto sa buong pagkatao ko…’ Ang sweet sanang isipin yung ganon…

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon