Chapter Thirty Eight -- Guess Who?

11.9K 153 29
                                    

 at dahil birthday ko ngayon... maguupdate ako....

at dahil birthday ko din ngayon kaya dapat lahat kayo mag vote....

at dahil birthday ko naman ngayon, dapat lahat kayo mag comment....

at dahil birthday ko talaga nagyon, dapat lahat kayo ilike yung page ko... hahaha!!!! SALAMAT!!!

anu pang hinihintay nyo? bumota na at basahin na ang IN SEARCH!!!

btw, magsusurvey ako... dahil birthday ko, dapat sagutin nyo... ^^ gusto nyo bang gumawa ako ng group natin??? ^^ para mas makapag interact ako sa inyo at lahat kayo makasagap ng trivia dun.. ano??? ok b ung idea ko? oo o hindi? dali na... birthday ko naman eh... haha... sagot na... ^^

SALAMAT ulet.... ^^ LOVE YAH! XD

_____________________________________________________________________

CHAPTER 38

Nag-motor na kami ni Gelo papasok since malelate na nga kami kung maglalakad pa kami. Pagkadiretso namin sa classroom, sakto namang kasabay namin si Ms. Luna at nag-discuss na siya kaagad. Hindi ko na tuloy natanong sa kanya kung paano nangyari yun…

Kung si Jared kaya tanungin ko? Katabi ko naman eh. Kaya lang pano? Nakakahiya…

“Hey! Chibi. Ano? Musta?” Ayan ka nanaman… Tikom tikom ang ngiti… kasi natutunaw ako eh… natutunaw ako sa kahihiyan eh… mukhang alam ko na ang nangyari… ^^

Tumingin lang ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang weirdong ngiti… as in super weird… super wide smile…

“Anong klaseng ngiti yan? Umayos ka nga… ang sagwa eh.” Bigla namang naiba yung itsura ko… I should know kasi nainis lang naman ako sa sinabi nya… Sagwa daw? Cute nga eh…

“Ms. Javier, answer number 2 on the board.” Unfair! Bakit ako ang tinawag at hindi si Jared? Siya ‘tong madaldal eh… Hmph… Kala mo hindi ako prepared noh?... Prepared yata to… ahaha…

JARED’s POV

“Kasi… Mahal kita…” Whew! Sa wakas! Nasabi ko rin… nabawasan na ko ng tinik sa dibdib ko… Natatakot akong makita yung reaksyon nya… natatakot ako kasi baka iwasan nya ko…

“Anne… Anne…” Hala! Nagalit yata… “Anne…  Ui… Galit ka ba? Sorry na… Pero lahat ng sinabi kong yun totoo. Ayoko nang bawiin kasi hindi ko na pwedeng bawiin yun… Sorry kung nabigla kita pero sana wag naman magbabago yung tingin mo sakin… Huy Anne… Sorry talaga…” Nako naman Jared, ang wrong timing mo talaga…

Tumayo ako para tignan siya…

“Kanina ka pa tulog?! Anne…” Tinusok tusok ko na yung pisngi nya pero tulog pa din siya… narinig nya kaya ako kanina? Sana oo pero sana hindi… hay! Gulo!

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon