Chapter Eighteen -- Give Him Some Space

13.5K 106 9
                                    

CHAPTER 18

 

“Ok. Mr. Camia, dun ka sa tabi ni Ms. Albania. Then Cruz, De Leon…”

“Huy! Tumayo ka na jan. New sitting arrangement na… Bye bye. ^^”

“Ui, Gelo!” Di ako sanay na hindi siya ang katabi ko. Kahit kasi makulit yan at lagi akong inaasar, di lang halata pero maalaga yan. Mabait din katanungan kapag meron akong hindi nagegets sa dinidiscuss. Di nya rin ako pinababayaan kapag may groupings kaya madalas lagi ko siyang ka-group. Sabihin na natin mejo naging dependent na nga ako sa kanya. At higit sa lahat, taga batok sakin kapag lumilipad na yung utak ko. Naman! New arrangement, new groupings… pano na ko nito?

“Ms. Herrera, Ms. Javier, Mr. Jimenez, Mr. Kim…” Pumunta na ko sa bago kong pwesto… Parang labag pa nga sa kalooban ko nung una eh.

“Hey! New seatmate!” Oo nga pala kami ang magkasunod sa list. Oh my! Nawala nga siguro si Gelo, pero siya naman ang pumalit. Pwede na rin. Maka-concentrate pa kaya ako nito? Siguro naman. Wag lang siya makahalatang may gusto ako sa kanya. Ok na tong ganito na tropa na ang turingan namin. We could be best of friends din naman.

Nasa 2nd row kami, left side ng room malapit sa bintana. Si Gelo nasa dulo sa right side sa pinakalikod malapit sa pinto. Wilson ba naman ang apelyido malamang siya ang huli sa class list. 32 lang kami sa klase. Marami na rin para sa isang typical private school.

Dulo sa dulo. Dalawang magkaibang isla, malayo, mahirap tawirin. Mamimiss ko si Bespren Gelo… Tsk. Corny na kung corny… ^^ tumingin ako sa kanya, nag-puppy eyes ako, akala ko pa naman ang makikita kong reaksiyon sa kanya eh malungkot at parang namimiss din ako. nagkamali ata ako at mukhang masaya pa siya. Bwisit talaga to!

First time ko maging katabi si Jared since ngayon lang nag-arrange alphabetically. Masaya rin naman ako, kaya lang iba pa rin si Gelo na nakasanayan ko na. Iba na rin naman siya ngayon. Para bang 180 degrees bumaligtad yung mundo. Every hour every minute may improvement. Kulit! Paulit-ulit?!

Merong inannounce sa klase, pinaalala lang naman yung nalalapit naming 2nd periodical exam. Pinaghahanda kami kasi baka raw ma-stress kami kasi after a week yung opening naman ng entrance exam sa karamihan ng mga university. Kaya ayun, kung kelangan daw ng tutor, willing naman daw yung mga teachers na tumulong. Free yun, meryenda lang ang kelangan. Pa-joke naman sinabi yun ni maam. Kahit naman ganun si Ms. Luna na parang laging mainit ang mata sakin, mabait din naman yan. Di mo nga aakalaing marunong siyang mag-joke eh. Teka? Anong petsa nga pala ngayon? 9? 18-20 ang periodical. 28 kami naka-sched sa entrance. The heck! Mapipilitan talaga ako mag-aral ng bongga.

“Oh.. before I forgot, as your class adviser, gusto ko rin iinform kayo na may upcoming field trip sana kayo this November since 4th year kayo, meron din kayong retreat and for that maraming parents ang nagreklamo dahil magkakasunod yung mga bayarin and remember, graduating kayo at magastos talaga sa mga requirements. So napag-usapan sa PTA meeting na isa doon ang aalis--…” Hindi pa natatapos si maam magsalita nag… “Awww” naman ang mga kaklase ko. Kasama ako dun. ^^

“Teka, hindi pa naman tapos eh.” Tumahimik din naman kami agad. “ As I was saying, balak sana mag-ommit ng isa since magastos pero....” Nag hand gesture si maam na yung dalawang palad nya eh nakaharap samin at parang pinipigilan nya kaming magreact. “May isang parent na nag-suggest na bakit hindi nalang ipag-combine at gawin yung youth camp. Atleast mas makakabawas sa bayarin. And to remind you…”

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon