Huling Salita

769 40 7
                                    


Kinabukasan...


Pinasok na ng landlord ang tinuluyan ni Rex dala ang isang malaking itim na plastik lalagyan ng basura.


Nakita niya ang lalaki na puting-puti at matigas na sa isang sulok.


"Tsk, tsk, tsk," napailing na lang ang matanda at binalot na ito sa dalang plastik kasama ang mga gamit nito.


Nilingon niya ang butas sa dingding.


Dali-dali niya itong nilapitan at tinanggal ang ipinasak doon ng lalaki.


"Sana kasi nakikinig ka... Hindi naman mahirap sumunod. Ayaw lang niya nang iniistorbo siya."


Kinuha na niya ang plastik na naglalaman ng katawan ni Rex at gamit nito at hinatak palabas ng unit ng apartment.


Saglit niyang sinulyapan ang pinto ng kwartong lagi niyang binibigyan ng babala.


Sandali itong bumukas at kalahating mukha ang nakita niyang nakasilip mula sa loob. Nakangiti ito sa kanya.


"Sssshhh..." itinutok ng landlord ang hintuturo niya sa bibig at nginitian ang mukha na nasa pinto bago ito sumara.


__________________________________________________________

Wakas

Tulog NaWhere stories live. Discover now