Unang Parte

1.7K 56 13
                                    



"Brad, may alam ka bang apartment na matitirahan? Yung mura lang, kapos budget ko ngayon eh," asik ni Rex sa kanyang kaibigan sa kabilang linya.


"Brad, marami," tugon naman ni Fred. "Magkano ba budget mo?"


"1,500 lang, Brad. Yung malapit lang sa trabaho ko. Kalayo naman kasi ng bahay namin sa work! Aksaya sa pamasahe! Isang linggo na 'kong naghahanap kaso ang mamahal naman ng nakikita ko."


Dinig niya ang pag-halak nito sa kabilang linya.


"Brad, mahirap yung one-five na apartment. Doon ka nagwo-work sa factory malapit sa'min, ano?"


"Oo, Brad. Isang liko lang nga sa inyo eh. Kaya nga ikaw ang tinawagan ko kay baka may alam ka diyan na malapit lang."


"Ah, sige. Uhh, Brad ano... may alam akong isa, sanlibo nga lang, solb-sob ka na."


Nagliwanag agad ang mukha ni Rex dahil sa doon.


"Talaga, Brad? Ka-mura naman!"


"Oo, Brad. Pero baka hindi mo magustuhan."


"Bakit? Maingay ba? Magulo?"


"Hindi. Tahimik nga eh."


"O? Ano'ng problema?"


"Uhh..."


At natahimik sandali ang kabilang linya.


"Brad? Hello? Nandyan ka pa?"


"Ah, gan'to na lang, Brad. Puntahan mo na lang, bigay ko sa'yo ang address."


"O, sige, sige."


"Kung hindi mo gusto do'n, Brad, alis ka na lang agad ha."


"Oo, sige! 'Pag hindi maganda, kahit mura, hindi ko na papatulan."


"O, sige. Text ko na sa'yo yung location. Puntahan mo na lang."


"O, sige... Salamat, Brad ha."


"Oo. Basta ikaw."


_____________________________________________________

Tulog NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon