Ikalawang Parte

959 41 10
                                    

"Mukha namang okay ah," bulong ni Rex sa sarili habang tinitignan ang isang apartment building na alok sa kanya ng kaibigan.


Tinignan niya ang paligid. Tanaw niya sa kinatatayuan ang factory kung saan siya nagtatrabaho. Ibinalik niya ang tingin sa building.


May limang palapag. Napinturahan ng kulay krema ngunit pansin ang mga parteng nilumot na dahil sa ulan at sa mga tubig na galing sa mga pinaglalabahan ng ilang nagre-renta doon. Maraming mga nakasabit na sinampay sa bawat bintana at teresa.


Tahimik sa buong lugar. Walang ingay. Mapayapa. Tamang-tama para sa kanya na kailangan ng pahinga pag-uwi galing sa nakakapagod na trabaho.


"Ito ang susi ng pinto." Inabot sa kanya ng landlord ang susi ng kanyang kwarto. "Ikaw ang magbabayad ng tubig at kuryente mo. Nakasub-meter lahat ng kwarto sa building kaya kanya-kanyang bayad."


"Oho," tugon ni Rex at kinuha na ang susi sa lalaking nasa singkwenta anyos ang edad ngunit mukha nang pitumpu at mamamatay na. "Maraming salamat ho."


"Paalala lang," saad ng landlord, "wag na wag kang mag-iingay. Hindi maganda ang ugali ng nakatira sa katabing kwarto mo. Kapag naistorbo mo siya, baka ikaw ang hindi niya patulugin."


Tumango naman si Rex sa sinabi ng landlord habang nakatuon ang atensyon sa kwarto niya sa taas.


Aalis na sana ang landlord para makabalik sa bahay nito ngunit may huli pa siyang mga salita kay Rex."Isa pa pala..."


"Po?"


"Wag ka sanang magpapasok ng babae sa kwarto mo. Lalo na 'pag gabi."


____________________________________________________

Tulog NaWhere stories live. Discover now