Ikalimang Parte

790 43 9
                                    



Alas onse pasado na ng gabi.Nakahiga si Rex sa kama.


Papaling-paling siya dahil hindi siya makatulog.


Kapagkuwa'y pipikit siya, naaalala niya ang matang nakasilip sa butas na iyon... hindi siya nito pinatutulog.


Nakapaling siya ngayon sa kaliwa at pinipilit matulog. Kailangan niyang makapagpahinga dahil maaga pa ang pasok niya kinabukasan.


Mariin ang pagkakapikit niya sa mga mata. Walang electric fan pero malamig.


Masarap ngang matulog kung hindi lang niya naaalala ang nakita niya.


"Ili... ili... tulog... anay..." 


Agad siyang napadilat dahil doon sa biglang kumanta.


"Wala... diri... imong... nanay..."


Naramdaman niya ang malalamig na paghimas sa kanyang kanang braso.


"Kadto... tienda... bakal... papay..."


Unti-unti niyang tinignan ang braso.Wala namang kahit ano doon pero ramdam na ramdam niya ang malalamig na paghimas habang patuloy ang himig na pampatulog na narininig niya.


"Ili... ili... tulog... anay."


Napatingin siya sa itaas at nakita ang mukha ng isang babaeng puno ng dugo ang mukha, nanlilisik ang mga mata at nakahiwalay ang pang-ilalim na panga sa ulo.


"Aaaaahhhh!!!"


Napabalikwas si Rex sa higaan at nagsisigaw habang nakikita ang babaeng bali-bali ang katawan at unti-unting lumalapit sa kanya. Takip-takip niya ang mukha upang hindi lang ito makita.


"Sssshhh... hindi ka ba makatulog... gusto mong patulugin kita... habangbuhay...?"


_________________________________________________

Play the video for the song

Tulog NaWhere stories live. Discover now