Chapter Eleven

175K 4.6K 664
                                    

CHAPTER ELEVEN

Half a year later...

MAHIRAP mag-move on. Lalo na kung sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay lagi kayong nagkikita, nagkakasalubong, at ang mas malala...walang pansinan na para bang hindi kayo magkakilala.

Ang mas mahirap pa, kung magiging konektado kayo sa isa't isa at kung saan-saang gathering at events na lang kayo bastang magkikita.

"Ano bang mayroon sa mga Anderson na iyan?" Sapphire crossed her legs and arms. She was comfortably sitting like a queen on a church pew. "Bakit ba kailangang konektado sila sa'tin?"

Pinipilit ni Crystal Jane na huwag lumingon at i-focus ang paningin sa mga pinsan niyang kasama niya ngayon sa isang simbahan kung saan may wedding rehearsals para sa nalalapit na kasal ng nakatatandang pinsan nila na si Reeve sa anak ng isang kilalang hotel magnate.

Hindi nila akalain na magpapakasal ito. At hindi nila inaasahan ay magpapakasal pa ito sa babaeng konektado sa dating nobyo nina Haley, Lavender, at pati niya.

Kaya ngayon, parang tuod silang tatlo at masakit na ang leeg para lang huwag mapalingon sa puwesto ng magpipinsan na mga Anderson.

Narinig niya ang tawanan ng pitong lalaki na nagsasama-sama sa isang bahagi ng simbahan.

Pumikit si Crystal Jane at humugot ng malalim na hininga. She tried to relax and she did. Ngumiti siya ng matamis sa mga pinsan.

"Hayaan na natin. Hindi naman natin lahat ito inaasahan," aniya. "Si God, talagang may mga plano siyang nagpapagulat sa'ting lahat. This is His will kaya siguro dapat maging masaya na lang tayo para kanina Reeve at Agatha," tukoy niya sa mapapangasawa ng pinsan nila.

Napaismid si Sapphire. "Fixed lang naman ang marriage nila."

Totoo iyon pero... Napalingon si Crystal Jane sa harap ng altar kung saan nandoon sina Agatha at Reeve at parang may pinag-uusapan ang dalawa. Agatha was sweetly smiling while Reeve was saying something. Then Reeve slipped his hand from Agatha's arm to her hand. Ngumisi ang pinsan niya at napansin niyang nag-blush pa si Agatha. "They seemed happy. Baka naman kahit fixed marriage lang, they learned to like and understand each other. Eventually, they can fall in love rin naman."

"Yeah, I think so, too." segunda ni Lavender na nakatingin na rin pala sa direksyon ng tinitignan niya.

They heard Haley dreamily sighed. "We're happy naman for them, right? Si Saphi lang naman laging bitter."

Nagkatawanan silang tatlo at napasimangot naman si Sapphire.

"Argh! Whatever! Hindi pa ba 'to magsisimula? What time is it already?" angal ni Sapphire. "Sasamahan ko pa sa Lola magpa-check up mamaya."

"I'll come with you, later," Crystal Jane said. Gusto niya rin masamahan ang Lola nila at malaman ang health condition nito.

"Me, too. Wala naman akong scheduled photoshoots hanggang bukas," dagdag ni Lavender. "How about you, Haley? Sama ka na rin para kumpleto tayo. Matutuwa si Lola."

Haley pouted. "Eh...I have to finish a commisioned painting pa. Sa isang araw na kasi kukunin iyon...so, kiss Lola for me na lang."

"Okay! Ladies, gentlemen, let's all gather here at the center para maiayos na po natin ang entourage," a gay wedding coordinator announced.

Nagsitayuan sila at pumunta sa gitna na malapit sa malaking pintuan ng simbahan. Naunang tumayo si Sapphire at sumunod na silang tatlo rito.

Ang lakas ng pagkabog ng puso ni Crystal Jane at parang hindi niya maiangat ang tingin habang naglalakad. Dahil alam niyang magkakasalubong sila ni Ramses ng tingin kung nagkataon.

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon