They Don't Know

59.4K 1.7K 128
                                    

29


Malaki ang ngiti ko noong niyakap ako ni Augustine. Rinig na rinig ko pa ang palakpakan ng mga manunuod habang ang AEGGIS ay malalaki ang ngisi na nakatingin sa amin. Kahit ang kuya kong halimaw ay mayabang na nakapamulsa habang nakagisi.


'People say we shouldn't be together

We're too young to know about forever

But I say they don't know what they're talk-talk-talkin' about (talk-talk-talkin' about)'


"Kinikilig ako, tangina." Bulong ni Augustine sa akin. Lumayo ako sa kanya bago ko inapakan ang kanyang paa.


"Baliw." Natatawa kong sabi. Kumindat lamang si Augustine at binitiwan na ako. Bumalik ako sa aking pwesto kanina habang ang anim ay nagpaalam na sa host. Noong magsara na ang programa ay mabilis na lumapit si August sa akin at hinalikan ang tungki ng aking ilong.


"I'll be back. Wait for me. Love you." Tuloy tuloy niyang sabi bago tumakbo sa direksyon nila Ethan. Hindi agad ako nakagalaw sa sobrang gulat sa ginawa niya. Matapos niyon ay napangiti na lamang ako dahil sa kilig.


Ano ba yan. Namumula yata ako? Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko eh.


"Thank you." Anas ng isang babae sa aking likuran. Noong humarap ako ay nakita ko si Iris na nakatingin sa akin.


'Cause this love is only getting stronger

So I don't wanna wait any longer

I just wanna tell the world that you're mine, girl

Oh'


"Para saan?" tanong ko. Inayos lamang ni Iris ang buhok niya. Hanggang ngayon ay namamangha ako kapag tinitingnan ko siya. She is too sophisticated. Para bang noong ipinanganak na siya ay marunong na siyang magsuot ng sapatos na may takong at humawak ng suklay.


"For making August happy." Aniya. Magsasalita pa sana ako noong tumikhim si Kuya Iñigo sa tabi ko at agad na nilapitan si Iris.


"Let's go babe." Anas ni Kuya I. Napasinghap ako habang si Iris ay ngumuso lamang.


"Stop that." Bulong ni Iris bago umalis at iniwan si Kuya Iñigo na agad namang nakasunod sa kanya. Bahagya akong napangiti habang nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa. Si Kuya ay tumatakbo at hinahabol si Iris.


The rude boy is chasing his girl now.


"Habulan din tayo?" bulong ni August sa aking gilid. Humarap ako sa kanya bago siya mabilis na niyakap.


"Ayaw ko. Naka heels ako." Nakanguso kong sabi. Inakbayan ako ni Augustine at inakay ako palabas ng studio.


'They don't know about the things we do

They don't know about the "I love you"'s

But I bet you if they only knew (they don't know)

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon