Kambal Na Strawberry

69.5K 1.6K 90
                                    

10

"What's with the secret smarts?" namamanghang tanong ni Iñigo sa akin. Ngumiwi lamang ako habang inaayos ang pagkain para sa tanghalian.

"That's it. Secret nga lang I." sagot ko at nagpatuloy sa paghihiwa. Pasimple ang ginawa kong pagtalikod para hindi mahalata ng kaibigan ko ang pagkaalangan ko sa usapan. Lumapit ang kambal sa amin at nakisama sa ginagawa ni I na pag pupunas ng mga pinggan at baso.

"Gusting, kamusta na kayo ni bunso?" anas ni Ethan. Napanguso lang ako at hindi na lang sumagot. Ano naman ang sasabihin ko? Hindi ko nga alam kung ano ba ang lagay ko kay Shana. Hindi ko rin alam kung may gusto pa rin ba siya kay Greg.

Aaminin ko namang nasabi na niya na mahal niya ako. Kung alam lang ni Shana ang pakiramdam ko noong narinig ko iyon. I felt assurance. Sa buong buhay ko ay naramdaman kong may tumanggap na sa akin. Pero alam ko ring hindi ko dapat paniwalaan iyon. Prinsipyo kong maniwala na wala akong karapatang panghawakan ang kahit na anong bagay sa buhay ko. Lahat ay mawawala sa akin. Lahat ay iiwanan ako. I don't want to be attached because I know the feeling of rejection.

Tae, nageenglish na tuloy ako. Gusto ko ngang itago na matalino ako pero lumalabas pa rin. I can't help it though. Hindi ko naman makokontrol na pinanganak akong perpekto.

Kahit noong bata ako ay hindi ko na makontrol ito. Palagi akong tinatanggihan ng mga foster parents dahil sa talino ko. Pakiramdam nila ay magiging lamang akong isang weirdo na bata. Isang nerd na ibubully at sasaktan. They prefer a son who is into sports. Hindi katulad ko na mahilig sa Science at Math. Walang makatanggap na mas pipiliin ko pang magkulong sa kwarto at magsulat ng kanta kesa sa magpapawis para sa basketball. Magmula noong ilang beses akong tanggihan ay nagpasya na lamang akong itago kung ano man meron sa loob ng utak ko. Ayaw ko ng tanggihan ulit dahil lang sa matalino ako. Walang makakaintindi sa akin at sa pagmamahal ko sa mga hilig ko.

"Magagalit si Stanley kapag nalaman niyang nililigawan mo si Shana." Si Athan naman ang nagsalita. Ngumiti lang ako at hinarap sila.

"Eh di magalit siya. Para namang bago sa akin yun." Wika ko. Ngumisi lang ang tatlo at napailing na lamang.

"Nakakatakot yung Tatay nila." Sabat ni Greg sa usapan. Kumuha siya ng baso at uminom habang nakatingin sa akin. Teka? Bakit ba andito silang lahat ha? Bakit ako na naman pinagtritripan ng mga ito?

"Nangugulo na naman kayo eh." Reklamo ko habang inililigtas ang itlog na dinulok ni Athan. Tumawa lang silang apat at pinanood na lamang ako.

Wala akong pakialam sa Tatay ni Shana. Kilala ko si Alessandro Montreal at alam ko ang reputasyon niya. Alam ko rin kung paano niya pinahirapan si Sungit noon. Pero seryoso naman ako kay Shana. Oo nga at loko loko ako, pero alam kong totoo naman itong kung anong meron ako para kay Prinsesa. Hindi ako takot kay Sandro.

Shana should keep that in mind. Hindi ako takot sa Tatay niya o sa kahit na sino sa pamilya niya. Kahit na magkagulo pa ang AEGGIS ng dahil sa amin ni Stanley ay wala na akong pakialam. Lalabanan ko kahit na sinong humarang sa aming dalawa. Ipangako lang ni Prinsesa sa akin na mananatili siya sa tabi ko at hindi gagayahin ang iba na iiwanan ko. Hindi ako gagaya kay Sungit na umalis at basta na lamang binitiwan si Stanley.

Noong matapos na akong magluto ay tinulungan ako ng apat na ayusin ang lamesa. Agad kong hinanap si Shana at napansin kong magkasama sila ng Kuya niya. Nakayuko siya at bagsak ang balikat habang naglalakad papunta sa lamesa.

Anong problema mo? Ilang beses kong sinubukang hulihin ang paningin niya pero nanatili ang pansin niya sa pagkain. Ni hindi niya ako magawang tingnan man lamang. Hanggang sa matapos ang tanghalian namin ay hindi siya nagtaas ng tingin.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon