Frozen

57.9K 1.7K 137
                                    

22

Nakakabwisit. Bakit ba kailangang ipilit ng mga tao sa aking makaalala ako. Bakit hindi ba nila nakikita na ako mismo ay walang pakialam sa mga nawala ko. Naiintindihan ko naman na may kulang pero ano ba namang magagawa ko? Hindi naman computer ang utak ko at wala akong auto save na feature.

Napasalampak ako sa sofa ng aking apartment. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na may sarili na akong bahay. Pero mas gusto ko na ito kesa ang makasama si Tatay sa bahay at patuloy na mangungulit sa akin tungkol sa pagaasawa. Para naman siyang adik, 22 pa lamang ako at wala pang balak magpatali. Pakiramdam ko tuloy ay gusto na akong ipatapon ng Tatay.

Sinindi ko ang TV at inilipat lang ng inilipat ang channel hanggang sa makuha ng isang patalastas ang atensyon ko. Tinitigan ko si August at iyong dimple na naman niyang malalim habang nagsasalita siya kung gaano kamura ang isang brand ng detergent powder.

"Finally, 7.50." aniya habang pinagkakaguluhan ng mga matrona. Inis kong inoff ang TV at binato na lamang kung saan ang remote control.

Nakakainis!! Napapadyak ako habang nakatingin sa TV. Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng makuha ng lalaking iyon, dimple pa ang naibigay sa kanya? Hindi ba pwedeng peklat o di kaya ay nunal o balat man lang? Bakit kailangang dimple pa?

Pumunta na lamang ako sa kusina at naghanap ng pwedeng makain. Pinili ko ang isang wheat bread at ang buong kahon ng cheese. Umupo ako sa taas ng counter at kumain ng kumain.

"You ate the noodle from my mouth!"

 

"So?"

 

"So?! T-that.. that was.."

Napapikit ako ng mariin noong marinig ko na naman ang boses na iyon. Inalog ko ang ulo ko at ibinaba ang aking pagkain bago naghugas na lamang ng kamay.

Naalala ko na naman iyong si Iris. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Alam ko kung ano ang gusto niyang gawin ko. Pero natatakot akong makaalala. Natatakot akong malaman kung ano ang naiwala ko.

Ang sabi ng mga doktor, ang isang taong nagkaroon ng selective partial amnesia ay isang taong dumaan  sa sobrang sakit. Iyong utak niya ay awtomatikong buburahin ang kahit na anong parte ng alaala na nakasakit sa kaniya.

That is what happened to me. Kung pagtatagpitagpiin ko ang mga boses at ang mga panaginip ko, may ideya na ako sa totoong nangyari sa akin. At hindi ko matanggap iyon. Hindi ko kayang tanggapin iyon.

I will never fall inlove with Augustine Yturralde.

Kung tama ang mga imahe na nakikita ko sa pagtulog, kung totoo ang mga naririnig ko, I can conclude that somewhere this past two years, August and I had a relationship of some sorts. Pero nasaktan niya ako at iyon ang ayaw ko ng malaman.

Pero bawat bagay na nangyayari sa paligid ko ay isa lamang malaking kumpirmasyon sa hinala ko. Noong nalaman kong ikinasal na at may anak si Greg ay hindi ako nasaktan. Nanghinayang ako, of course. Pero hanggang doon lang ang naramdaman ko.

Iyong singsing ni August, iyong hikaw niyang krus, pamilyar iyon sa akin. Noong sinabi ni Iris na hanapin ko kung sino ang nagbigay ng singsing, alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Pero katulad nga ng sinabi ko kanina, hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan na iyon.

Hindi ko kayang tanggapin na minahal ko si August pero sinaktan lamang niya ako. Na nahulog ako sa lalaking hindi marunong magmahal. Sinungaling siya at hindi siya marunong magpatawad. Hindi niya kayang magpapasok ng kahit na sino sa buhay niya.

Natatakot ako.

That is why I want to know him, the real him. Iyong Augustine na hindi nagpapanggap. Iyong hindi nagpupumilit na magmukhang masaya. Baka sa puntong iyon ay makaya ko ng tanggapin ang posibilidad na minahal ko siya.

"Nangangarolling po!" sigaw ng mga bata sa tapat ng aking pinto. Inayos ko ang sarili ko at bumaba mula sa counter. Noong binuksan ko ang pintuan ay nakita ko ang mga bata na may dala dalang gumamela, santan at kalachuchi.

"Saan ninyo nakuha yan?" tanong ko sa kanila. Inabot nila sa akin ang mga bulaklak bago ngumiti.

"Sa kapitbahay po Ate!" sagot noong pinakabata sa kanila. Humagikhik pa siya at hinawakan ang aking kamay. Yumuko ako at hinaplos ang kaniyang buhok.

"Salamat." Sabi ko at mabilis na tumayo. Pumasok na ako sa bahay kahit na tinatawag pa ako ng mga bata. Wala akong oras na makipaglaro sa kanila sa ngayon—

Tatlong katok ang narinig ko sa aking pinto. Napabuntong hininga na lamang ako at lumapit roon noong marinig ko ang boses niya.

"Sha-na." aniya. Ginaya niya pa ang pagsasabi ni Anna sa pangalan ni Elsa sa pelikulang Frozen.

"Gusto mo bang gumawa ng taong nyebe~?" kanta niya. Nanlaki ang mata ko at binuksan agad ang pinto. Tumambad sa akin gang dibdib niya kaya tumingala ako. Nakakainis ang tangkad nitong bastos na manyak na gusgusing mayabang na lalaking ito.

"Bakit mo binuksan yung pinto?!" galit niyang sabi sa akin. Napailing na lamang ako at nameywang sa harap niya.

"Baliw ka ba? Kumatok ka, pinagbuksan lang kita." Sagot ko. Ngumuso siya kaya iyong dimple niyang malalim ay muli ko na namang nakita.

"Shana Maria, hindi ganun yun. Ikaw kunwari si Elsa, ako si Anna. Tapos Frozen tayo. Kahit kakatok ako,wag mong bubuksan—"

"Nakadrugs ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung isip bata ba siya o high lang ito. Naku naman, wag mong sabihin sa akin na nainlove ako dati sa adik na ito? Wag naman po!

"Hindi."

"Bakit gusto mong maging si Anna?!" sigaw ko sa kanya. Ngumuso siyang muli, lalong ipinangangalandakan sa akin ang dimple niya.

"Ah, pangarap kong magkaroon ng braids para astig." Sabi niya habang iniimagine ang buhok niyang may dalawang braids katulad ni Anna.

"Bakla ka ba?" gulat kong sabi. Tumawa lamang siya ng malakas bago tumango.

"Di nga? Bakla ka?" pagkukumpirma ko. Lalo akong kinain ng takot sa nalaman. Kaya ba kami naghiwalay at nasaktan ako dahil sa bakla siya?

Pinitik niya ang noo ko. "Sira ulo." Aniya. Hinawakan ko agad ang noo ko at tiningnan siya.

"Augustine, kung kailangan mo ng kausap, andito lang ako.  Girls' talk?" sabii ko pa sa kaniya. Ginulo lamang niya ang buhok ko at tinulak na ako papasok.

"Ang adik mo Prinsesa."

"Ikaw namang nauna." Sabi ko. Hinila niya ako sa may sofa bago ako pinaupo. Umupo rin siya sa tabi ko habang tinitingnan ako.

Pinanood ko lamang siyang nakatingin sa akin. Ilang sandali lang ay nagbaba na siya ng tingin at pinaglaruan na lamang ang sapatos niya.

"Sorry." Bulong niya. Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.

"Para saan?" sabi ko. Nagkibit balikat lamang siya .

"Para sa lahat Shana." Seryoso niyang sagot. Napalunok ako at hindi nagsalita. Umilag si Augustine ng tingin at may kinalkal sa kaniyang bulsa.

Noong mahanap niya iyon ay iniabot niya sa akin ang kaniyang kamay. Inilapag niya sa palad ko ang isang singsing na kamukha ng sa kaniya.

"Hindi ka naman tumaba hindi ba? Kasya pa rin sayo iyang singsing." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko habang tinitingnan iyon. Hindi ko na namalayan na nakalabas na siya at iniwan ako sa bahay.

—————————-

Nainlove ako sa lalaking pangalan ay Arin

Maguupdate ulit ako, tapos mumurahin na ninyo ako. XD

*pen<310

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon