Heartless

69.8K 1.7K 127
                                    

12

Noong magising ako ay wala na akong kasama sa kwarto. Sinubukan kong tumayo pero makirot pa rin ang sakong ko kaya nahirapan pa ako.

"August said you should not move."

Napatingin ako sa nagsalita. There I saw April reading a book while sitting on the floor. Sinara niya ang libro bago ako tiningnan.

"Bakit nandito ka? Nasaan si August?" tanong ko. Pinalobo lang niya ang pisngi niya bago nagkibit balikat na lamang. Tumayo si April at lumapit sa akin.

"I don't know. Bakit ba ang dami mong tanong?" masungit niyang sabi. Napaismid na lamang ako sa klase ng tono ng kanyang pananalita. Kung makapagsalita ang babaeng ito ay parang pag aari niya si August at pinagdadamot niya sa akin ito.

Padabog na nilahad ni April sa akin ang kanyang kamay. Tumaas lamang ang kilay ko sa kanyang ginawa at inignora iyon. Naglakad na lamang ako ng wala ang tulong niya, dahan dahan na lamang ang ginawang paghakbang hanggang sa makababa ako.

"August cooked for you." Maktol pa rin ng bata sa likuran ko. Kahit na naiinis ako sa kanya ay hindi ko napigilan ang ngiti ko sa nalaman. He still cares for me huh? Pakiramdam ko ay nagdiwang lahat ng tutubi ko sa tiyan dahil lamang doon.

Naglakad na ako palapit sa aking lamesa at tiningnan ang ulam na niluto ni August. Si April na ang kumuha ng pinggan ko at pinaghainan ako. Nagtataka na lang ako sa ikinikilos niya habang siya ay parang bata lamang na gumagalaw sa sarili kong kusina.

"Oh, you like spaghetti right? May niluto din yung adik kong kapatid bago siya umalis eh." Bulong niyang narinig ko naman. Binuksan niya ang refrigerator at kinalkal ang spaghetti habang ako ay hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya.

"K-kapatid ka niya?" gulat kong sabi. Hinarap ako ni April habang sa bibig ay isang kutsara na ng Nutella ko. Ibinaba muna niya ang Tupperware ng spaghetti at umupo sa harap ko.

"Yeah, unfortunately." Buntong hininga niya bago ngumiti ng malalim. Doon ay napansin ko na ang dimple na kamukhang kamukha ng kay Augustine. Nilingon niya ako habang patuloy sa pagpapak ng Nutella.

Hindi ko inalis ang tingin ko kay April na patuloy lamang sa pagkain. Habang tinitingnan ko siya ay doon ko lamang napansin ang laki ng pagkakahawig nilang dalawa.

Gusto kong ipukpok ang ulo ko sa lamesa noong napagtanto ko kung gaano kagaspang ang trato ko sa kanya kanina. Though the girl obviously hates being with me, inalalayan pa rin niya ako. She is clearly Augustine's sister.

"Why? You thought I am his girlfriend?" tanong niya sa akin. Yumuko na lamang ako at kinuha ang spaghetti. Agad ko iyong kinain at halos mapaungol na lamang ako ng malasahan kong muli ang luto niya.

Eh sa hindi ko naman kasi talaga alam eh. Nagselos pa ako sa kanya. Gosh! Dapat pala nagpapaimpress ako sa kanya kung tunay man ngang magkapatid silang dalawa ni Augustine.

"Masaya akong may pamilya na siya." Sabi ko na lamang. Pagak na tumawa si April habang napapailing na lamang na tiningnan ako.

"Wala kaya Ate." Anas niya. Doon ay kumunot na ang noo ko. But why? Akala ko ba magkapatid sila.

"Well, ako lang ang kinakausap ni August eh. Kapag sina Daddy na ang sumusubok, pinapalayas lang niya. Ang arte arte, akala mo naman gwapo." Reklamo niya. Kumuha rin siya ng tinidor pagkatapos ay nakisalo sa aking spaghetti.

"Galit siya sa parents niyo?"

Nagkibit balikat lamang siya. "Who knows? Sinungaling yun eh." Walang pakialam niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko at tuluyan ng binitiwan ang pagkain ko.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon