Lonely Man

61.6K 1.8K 82
                                    

20

BABALA:

Maraming spoilers dito.

-----------------

Nakanguso pa rin ako at inis na inis pa rin sa ginawang pagnanakaw ng halik ng Yturralde na iyon sa akin. At mas naiinis ako ngayon habang pinapanood ko siyang kumanta sabay ni Greg.

Oo na. Aamin na ako. Maganda ang boses ni Augustine. Kahit sinong babae ay kikiligin,maliban sa akin, kapag narinig na siya. Idagdag mo pang gwapo siya, iyong dimples niya sa kaliwang pisngi at ang mata niyang napakalagkit tumingin ay talagang mapang akit na.

But aside from those traits ay wala ng maganda pa kay Augustine. He is rude, mayabang, adik, tamad, isip-bata at bastos. Kapag naiisip ko talaga ang ginawa niya kanina ay naiinis pa rin ako.

"Yeah I know that it's cheap
Not like gold in your dreams
But I hope that you'll still wear it"

Natapos ang kanta na si Augustine ang humawak ng huling parte. Habang sinasabi niya ang linya ay nakatingin lamang siya sa akin. Hawak niya ang mikropono ng mahigpit at nakita ko na naman ang singsing niya.

"Stanley sang that for me when he proposed." Bulong ni Ate sa aking gilid. Nilingon ko lamang siya habang tuwang tuwang nakatingin kay Kuya. Nasa kandungan nito si Shawn na naglalaro ng drumsticks.

"I'm not perfect but I swear that I am perfect for you. Akalain mo yun? Si Stanley Montreal, umamin na hindi siya perpekto?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Ate sa akin. Napapailing pa siya habang inaalala iyong parte ng kwento nila kuya.

Napahinga na lamang ako ng malalim. A Montreal entails perfection. Bata pa lamang ako ay iyon na ang aral na ibinigay sa akin ni Tatay. We are perfect, thus we deserve perfection. Hindi ko maisip na nagawang kalimutan ni Kuya ang aral na iyon para lamang kay Ate Toryang. Inamin niya na hindi siya perpekto dahil lang sa mahal niya si Ate.

But I could not afford doing the same thing. Hindi naman ako katulad ni Kuya. Hindi na niya kailangang patunayan ang sarili niya sa pamilya namin dahil kahit wala na siyang gawin ay perpekto na siya.

Maybe that is the curse of being a girl and being a Montreal at the same time. I will never belong to the big five-- Uncle Xavier, Uncle Chance, Uncle Andrew, Uncle Colton and ofcourse, the great Alessandro Montreal. Sila ang mga Montreal na kayang pagulungin ang mundo gamit lamang ang hintuturo nila. They are the height of perfection. At kitang kita ko ang pagsunod ni Kuya sa yapak nila. Habang ako ay napagiiwanan na. Babae ako at mas kailangan kong patunayan ang sarili ko. I am a girl that is why I need perfection compared to the other Montreals.

Hanggang sa matapos ang practice nila ay wala na ako sa mood. Noong nagliligpit na ang AEGGIS ay agad akong lumapit kay Greg para kausapin siya. Coding ako ngayon at gusto ko sanang magpahatid na lamang sa kaniya sa bahay. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa kanya ay narinig ko ang pakikipag usap niya sa kaniyang phone.

"It's just a date Lana." Malambing niyang sabi. Natigilan ako habang pinapanood ko siyang ngumiti.

"Oo nga. Pauwi na ako. What about Noah? Nakikipaglaro pa rin ba kay Caius?" Patuloy niyang pagkekwento. Kumunot ang noo ko dahil sa mga binanggit niyang pangalan.

Lumapit si Kuya Athan kay Greg. "Nasa bahay ninyo si Caius?" Tanong nito kay Greg. Pinatay na ni Greg ang tawag bago tumango.

"Nakikipaglaro daw yung anak mo kay Noah. Nasa bahay din yata si Ria eh." Sagot ni Greg.

Anak? Kuya Athan already has a son?

Pinilit kong alaalahanin kung sino ba iyong naging girlfriend niya. Ang alam ko kasi ay inlove siya kay Ate Toryang noon. Wala na akong maalala na naging karelasyon niya. Damn this two year lapse in my memory.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon