19. Melancholy

72.1K 1.6K 21
                                    

"Keith! Keith! Keith!"

Walang pasabing pumasok si Lex sa loob ng bahay ni Keith. Sinalubong kaagad siya ng mama nito kasunod si Barbara. Keith's mom looked worried. Humahangos kasi siya at namumutla. 

"Lex, what's wrong?" tanong ng Mama nito. He glared at them tapos ay pinagala niya ang kanyang mga mata.

"Tita, is Keith here? I know she's here. Ilabas ninyo na siya." wika niya na halos nagmamakaawa na. Barbara butted in. She looked worried too. 

"Wala si Ate dito. Diba kayo ang magkasama?" 

Napanganga siya. Wala si Keith sa bahay na ito? Then where the hell is she? Nakadama siya ng kahugkangan sa kanyang dibdib. Nanginig ang mga tuhod niya. Paulit-ulit niyang naaalala ang mga katagang isunulat nito sa piraso ng papale na iyon. 

"Ayoko na, Lex. I'm leaving..." 

Napaluha siya. Walang sabi-sabing tinalukuran niya ang mama at kapatid ng babaeng mahal niya. He got in his car and he drove away. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, pero desidido siyang hanapin ito. Hindi niya alam kung paano pa mabubuhay ng wala si Keith. He never thought that he will learn to love his enemy at ngayong mahal na mahal na niya ito ay hindi na niya makita ang sarili niya na hindi ito kasama. He was so in love with her that she was the reason why he gets up in the morning and why he always look forward on sleeping every night. 

He never wanted to spend his lifetime with any other woman other than her. He wanted her to be his wife, the mother of his child, the grandmother of his grandchildren. He wanted to grow old with her, he wanted to die with her by his death bed and he will wait for her at paradise. 

Pero paano mangyayari iyon kung wala naman ito? Saan niya ito hahanapin? Bakit ba siya nito iniwan? He thought thay they're okay, he thought that everything was well, nagkamali ba siya?

He took his phone out and dialled her number. Nagri-ring lang iyon pero hindi naman nito sinasagot. Ang sakit-sakit pala ng pakiramdam na iwan ka ng taong mahal mo. Earlier he was fine, he was great pero ngayon, ultimo ang kaliit-liitang parte ng kanyang katawan ay masakit, masakit dahil iniwan siya ni Keith. 

His phone rang. Wala sa loob na sinagot niya iyon. It was Caleb. 

"Bok nasaan ka? Barbara called. She was worried about you. Please kung nasaan ka, wag kang gagawa ng kahit na anong makakasama sa'yo." 

"Tang na, Caleb, iniwan ako ni Keith. Putang ina!" wala na siyang pakialam kung mairita man ang kaibigan sa mga pinagsasabi niya. He knew that Caleb could understand what he was feeling. Tulad niya ay inabandona rin ito ng babaeng mahal na mahal nito. Tulad niya ay handa nitong gawin ang lahat magkasama lang silang muli ngunit tulad niya ay hindi rin alam nito kung saang parte ng mundo hahanapin ang babaeng iyon. 

"Calm down. Nasaan ka ba? Are you driving?" tanong nito sa kabilang linya. He sighed. 

"Ang sakit, bok. Parang may malaking black hole sa loob ng puso ko na unti-unting kinakain ang buong pagkatao ko." lalo siyang napaiyak. 

"Bok, please stop kung nasaan ka man. I'll pick you up." Hindi na siya sumagot, he ended the call and continued driving. Hindi niya alam kung saan siya pupunta basta ang alam niya lang kailangan niyang mahanap si Keith. He will move heaven and earth, he will make a deal with the devil just to find her. 

He was about to turn left when he was blinded by some lights that came from a truck. Agad niyang inwasan iyon and when he did, natigilan naman siya. He stayed inside his car for a while thinking about Keith. Kung maaaksidente ba siya, babalik ito? Kung mao-ospital ba siya, darating ito? Lalo siyang napaiyak. He never thought that he would cry for a woman like this, at sa lahat ng babae pa, si Keith pa talaga ang iniyakan niya. 

The one he loves to hateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon