30

322 17 1
                                    

BRIELLE'S POV

"Ano gagawin naten?" Tanong ni bebe sa akin. Actually hindi ko rin alam. Basta nandito lang kami sa tabing dagat.

Pag uwi kase namin noong inimbitahan kami ni Aj para sa birthday ng lolo nya ay pinlano na pala si Ck ang lahat.

Nag set sya ng one week vacation para sa lahat. Alam nyo ba na kulang nalang matanggalan kami ng trabaho dahil sa lagi kaming nasa galaan.

Pero naalala ko rin na kasama pala namin ang anak ng may ari ng Hospital na pinagtatrabauhan namin.  Kahit ganon naman, hindi naman namin inaabuso. May respeto pa rin naman kami sa kanya kahit na minsan ay nakikipag biruan sya sa amin

Hindi rin naman tumututol sina Doc Vergara sa tuwing hihiling ang anak. Siguro ay dahil sa gusto ni Mr. Vergara ay maging masaya si Ck kahit na wala sa tabi nya si Jhai.

Sabi ko pa nga sa kanya na kahit sa ibang beach nalang kami magtungo kase baka lalo nya lang mamiss si Jhai.

Kasama rin namin sa naturang bakasyon si Aj. Pahinga talaga ito para sa aming lahat. Kaya heto kami hindi alam kung anong gagawin sa araw araw.

"Wala dito ka lang muna sa tabi ko" sagot ko naman kay bebe na takang taka

"Huh? Magkasama na tayo maghapon ahh, ilang minuto palang tayong nagkakahiwalay" napabusangot naman ko dahil sa sagot nya.

"Ayaw mo an ba akong kasama?"

"Gusto, nagtataka lang ako kase super clingy mo today" tumabi sya sa akin sa pagkakahiga sa inilatag kong blanket at niyakap ako.

"Araw araw naman akong clingy sayo ehh"

"I know. Nagugutom ka ba? Ipagkuluha kita ng food sa loob. Naka ready naman na ata ehh"

"Mamaya na, sabay sabay na tayo ng girls"

"Ano palang ginagawa mo dito?"

Kanina kase ay sinama siya ni ate Thea sa labas. Habang kami nina Ck ay naka toka naman sa pagluluto ng hapunan.

Pagkatapos makapagluto ay tumambay na ko mag isa dito sa tabing dagat habang hinihintay ang pagbabalik nila.

Nagchat din ako sa kanya na pagbalik nila ay puntahan nya ko dito.

"Wala lang ang sarap lang kaseng pagmasdan ng kalangitan ehh"

"Atim lang naman ang makikita ehh. Tyaka yung buwan na nagbibigay liwanag"

"Alam mo? Yung love ko sayo parang mga bituin sa langit?"

"Maliliit?"

Natawa naman ako dahil sa sagot nya

"Hindi yun. Kahit maliliit sila ganyan naman kalawak. At hindi pa doon. Kaya ko nasabi na bituin sa langit, dahil hindi sila nawawala"

"Nawawala din sila kapag umaga"

"Hindi ahh, natatakpan lang sila ng liwanag pero nandyan pa rin sila sa kalangitan. Kahit sa gabi naman. Minsan hindi natin sila nakikita pero nandyan lang sila. Parang ako, sayo. Hindi man kita laging kasama pero nandyan pa rin yung love ko para sayo. Hindi nawawala at lalo pang nadaragdagan"

"Alam mo bebe? Ilang minuto lang tayong Hindi nagkasama? Napakamakata mo na. Ano ba niluto nyo ni ate Ck at ganyan ka na?"

"Haha. Wala napag isip isip ko lang habang mag isa ako"

"Hindi pala pwede sayo ang mag isa."

"Bakit naman?"

"Nasisiraan ka ng bait"

"Bebe?"

"Joke lang po, haha. Hindi kase ako sanay na ganyan ka"

"Ako din haha. Basta dyan ka lang ahh?"

I've been Waiting for YouWhere stories live. Discover now