18

318 17 9
                                    

DANE'S POV

Expected ko na na nandoon sya. Pero hindi ko expect na ganon na kalaki ang pinagbago nya.

Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha, pero hindi ko lang pinapansin. Then now magkakasama pa kami sa iisang table.

Tama nga ang sinabi ni Dustine na hindi maiiwasan na magkita ulit kami lalo na kaibigan sya ni ate. Ang hindi ko lang sure ay kung nagpupunta pa rin ba sya sa bahay namin, tulad ng ginagawa nya noon.

Tapos iisang tao lang ang pagitan namin ngayon which is si Dustine lang. Alam na alam ni Dustine kung ano ang gagawin nya.

Kanina ay sya na ang nagpakilala sa sarili nya tapos pinatabi nya pa ko  kay ate Rain. Dalawang bangko nalang kase ang bakante at isa na doon ay sa tabi nya kaya doon na pumwesto si Dustine.

Ang awkward kase kung sa kanya ako tatabi diba? Nakikinig lang din ako sa kwentuhan nila. Pansin ko din na tahimik lang syang nakikinig sa mga kaibigan nya.

Ang funny din ng mga kaibigan ni ate Rain. Si ate Mauie at ate Stevie ang nangunguna sa kaingayan tapos si ate Ck nakikisakay lang din sa trip nila and also Jaden na nakikigulo din paminsan minsan.

"Ayos ka lang?" Bulong ni Dustine sa tenga ko.

Kasalukuyan na kaseng kumakanta si Jaden sa Stage kaya nasa kanya ang focus ng mga taong nanonood.

"Oo naman bakit?" Balik bulong ko. Sa tingin ko naman kami lang ang nagkakarinigan dahil nga sa musikang tumutugtog.

"Wala, tingin ko kanina ka pa tense ehh"

"Huh? Anong pinagsasasabi mo?"

"Wala naman, napapansin ko lang sa mga kilos mo. Huwag masyadong magpahalata"

"Wala akong ginagawang kahit ano okay? Nandito ako para kay ate Rain at para kay ate Mauie. Wala akong panahon pa para sa ganyang bagay"

"Chill, nagtatanong lang naman ako. Masyado kang defensive"

"Hindi naman, ayoko lang talagang pag usapan"

"Sige na i-enhoy nalang natin yung performance ng isa sa kaibigan ng ate Mo"

Mabuti nalang at hindi na sya nangulit pa, dahil sa totoo man hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Wala sa loob ko na ganoon na pala ang napapansin nya sa akin.

Sa akin kase wala lang yun ehh. Kumbaga common na nakikita sa akin yung bagay na yun.

Nilibang ko nalang ang sarili ko at hindi na muna pinansin ang taong katabi ni Dustine. Ngayon ko lang napanood ng live si ate Jaden na kumakanta. Napanood ko sya sa mga stories ni ate, to be honest naboboringan ako noon sa mga kanta nya. Talagang mapapatanong ka nalang sa sarili mo kung paano nya hinangaan ang mga ganoong musika.

Ibang iba sa Jaden na kumakanta ngayon sa taas ng Stage kasama ang gitara nya. Ngumingiti na rin to kumpara sa noon.

After her performance ay tumayo naman ang isa pa nilang kaibigan na katabi ni Brielle. Si ate Ck at yung sinasabi ni ate na anak ng may aru ng hospital kung saan sila nagtatrabaho. Kunot noo ko lang syang tinignan hanggang sa makarating sya sa stage at kinausap ni ate Jaden.

Tumayo sa pagkakaupo si ate Jaden at hinubad ang Gitara nito at inabot iyon kay Ate CK. Natuon naman ulit sa kanya ang atensyon ng lahat ng magsimula na syang magsalita

"Hehe, magandang gabi po. Eeksena pang po saglit. I'm not a professional singer pero sana mabigyan ko please ng hustisya. I would like to dedicate this song hindi lang sa birthday girl, kundi maging sa mga kaibigan namin. Sa mga bago at syempre sa mga luma haha. Maureen. Happy birthday."

I've been Waiting for YouWhere stories live. Discover now