22

458 19 21
                                    

DANE'S POV

Bakit ngayon nya lang sinasabi ang mga bagay na to? Bakit ngayon pa na nakakapag move on na ko?

Totoo ba lahat ng sinabi nya? O gawa gawa nya lang para mapatawad ko sya?

Pero sinabi nya mahal nya ko noon pa. Ano yun? Paano yun? Gulong gulo na ko, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Pero nakikita ko rin ang sinseridad sa kanyang mukha. Hindi naman siguro iiyak para lang sa awa hindi ba?

"Pinapalayo ba kita? Hindi mo pa man tinatanong yung side ko di'ba?" Yun ang sinabi ko. Bahagya pa syang nagulat dahil doon

Hindi sya sumagot bagkus ay tinitigan nya lang ako na wari'y naghihintay ng mga susunod kong sasabihin.

Huminga muna ko ng malalim para mawala lahat ng bara sa aking dibdib bago magsalita. Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula basta kung ano nalang ang lumabas sa bibig ko yun na yon.

"Totoo na wala akong galit sayo, pero hindi mo maaalis sa akin ang hindi magtampo, you betrayed me. Iniwan mo ko ng hindi ka man lang nagpapaliwanag. Tinatanong ko ng paulit ulit ang sarili ko kung may nagawa ba ko na hindi mo nagustuhan kaya bigla ka nalang umiwas. Kulang nalang mabaliw ako kakaisip kung ano ba talaga ang dahilan pero wala talaga ehh. Hinintay kita na magparamdam Hanggang sa kahuli huliang araw ko dito, pero wala ka pa rin"

"Nandoon ako"

"Nandoon ka?" Gulat pang tanong ko

"Sinabi ni ate Thea kung kailan ang alis mo. That time gulong gulo na rin ako. Gusto kitang pigilan at ipagtapat sayo yung nararamdaman ko pero pinilit kong huwag lumabas ng sasakyan. Gamit ko yung sasakyan ni Franz noon na naka park sa harap din ng sasakyan nyo"

So sya pala yung nagpark sa harap ng sasakyan namin noon? Kaya pala walang lumalabas that time. Akala ko may hinihintay lang ang sasakyan na yon.

Nagpatuloy ako sa pag kkwento.

"Hindi kami ni Dustine" pag amin ko pa na lalong ikinagulat nya. "Walang namamagitan sa aming dalawa"

"P-pero ang pakila-"

"He knows everything. Maski ako nagulat that night nang magpakilala sya sa inyo na boyfriend ko sya. Nakilala ko sya sa States. Sa park ako noon at umiiyak, nilapitan nya ko. Akala ko kung anong gagawin nya hanggang sa nagpakilala sya. Nakita nya daw ako na umiiyak kaya nilapitan nya ko. Sa kanya ko na kwento lahat. Sya naging tagapakinig ko. Simula noon naging magkaibigan kami. At naging close din sya kay Kuya. Sa tulong nila nabawasan yung homesick ko. Nabawasan yung sakit dahil pinapasaya nila ko. Nang sabihin ko sa kanyang uuwi ako ng Pilipinas sumama sya para daw mabantayan nya ko. Dahil ayaw nya na masaktan ulit ako.

"Hindi ako naniniwalang kaibigan lang ang tingin nya sayo. The way he look at you? And tawag nya sayo is Sho"

"Sho is Short. Pang asar nya sakin yon kase ang tangkad nila ni kuya. Bakit ba ako nagpapaliwanag sayo?"

"Sorry"

"Then that night na magkita ulit tayo. Ramdam nya yung tensyon kaya nasabi nya na boyfriend ko sya at sya ang tumabi sayo para hindi ako mailang."

"Do you love him?"

"Yes I do. Pero bilang kaibigan lang. Nakakatanga lang isipin na sa loob ng anim na taon. Ikaw parin ang hanap hanap ng puso ko. Na sa tuwing naririnig ko yung pangalan mo lumalakas ang tibok ng puso ko. Ang hirap paniwalaan na sa halos ilang taon na yon na hindi kita nakikita. Ikaw pa rin ang sigaw sigaw nito. Ano bang ginawa mo sa akin? Bakit pagdating sayo napaka rupok ko?"

"Y-you S-still l-love m-me?" Hindi makapaniwala at utal utal pang tanong nya.

Ako rin Hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa amin ngayon. Aminin ko man kase or hindi sya pa rin talaga ehh. Ilang ulit ko naman na ding kinontra na baka hindi talaga kami.

I've been Waiting for YouWhere stories live. Discover now