20

353 18 6
                                    

DANE'S POV

Laking pasasalamat ko at wala sya sa office nila. Nadatnan ko lang doon si Ate Rain ate si ate Mauie na nag kwentuhan.

Nasabi din kase ni ate Ck kanina ang mga magkakasama sa office kaya ams lalo akong kinabahan. Pero buti nalang at wala sya. Nasaan kaya sya?

"Bunso napadalaw ka?" Bungad na tanong ni ate Rain

"Galing ako kina mommy and naisipan ko na bisitahin ka dito kase wala naman akong gagawin"

"Ay oo nga pala. Kamusta si Dustine?"

"Last chat nya pasakay na sya ng Eroplano. Wala kang gagawin ate?"

"Meron akong schedule kaso mamaya pa naman. Free ako Hanggang 4pm why?"

"Wala po makikitambay lang po"

"Buti kasama mo si Doc CK?"

"Papunta sana ako sa Canteen ng makita ko sya sa Nurse Station kaya sinamahan ko na muna sya. You have cups naman diba?"

"Meron why?"

"Nagpasunod kase ako ng Ice cream dito. Nag ccrave ako"

"Nice Ice cream. Alam mo bang Fave ni Dane yan?"

"Really?" Gulat na baling pa nya sa akin, kaya tumango lang ako " kaya pala ang tanong mo kanina is kung comfort food ko rin ang Ice cream. Nice may kasama na kong kumantak ng Ice cream"

"Basta ba libre mo Doc." Pagbibiro ko pa

"Of course, kahit Anong flavor pa yan"

"Yownn. Sya lang doc? Paano naman kami?" Turan pa ni ate Mauie.

"Kaya nyo na sarili nyo. Palibre ka nalang sa Jowa mo"

"Ang sama naman neto"

"Haha Joke lang"

Maya maya ay pinasok na ng isang Nurse ang isang Tub ng Ice cream at yun naman ang pinagsaluhan naman n habang kumakain.

While eating may bigla namang pumasok. Ang sigla pa nya at dahil naka talikod ako sa kanya ay hindi nya agad ako napansin

"Anong meron at nandito kayong dalawa, wow Ice cream penge ahh"

Huli na ng na realize nya na nandoon ako kaya bigla naman syang natahimik ulit.

Yung kaninang sigla nya ay napalitan ng katahimikan. Pati buong paligid ay natahimik at hindi alam kung sinong unang magsasalita.

"Sorry, may bisita pala kayo. Umm nga pala may kailangan nga pala ako kay Doc. Stevie puntahan ko lang muna sya ahh"

"Akala ko ba mag iice Cream ka?" Tanong pa ni ate Mauie

"Mamaya na siguro, or bibili nalang ako mamaya. Enjoy"

Yun lang at tumalikod na sya. Tinawag pa sya ni Ate Ck pero hindi na sya lumingon pa.

Umiiwas ba sya? Or ayaw nya lang talaga akong makita? Bakit parang may mabigat pa rin sa dibdib ko, sa mga ikinikilos nya? Akala ko ba sanay na ko at wala ng epekto sa akin yung mga ikinikilos nya?

"Hayaan nyo na muna, baka naiilang lang" turan pa ni ate Rain na ikinataka ko naman

"Naiilang? Saan?"

"Sayo" sagot pa nya

"Bakit naman sya maiilang?"

"Tatapatin na kita bunso. Umiiwas sya"

"Huh? Bakit?"

"Baka daw kase galit ka pa sa kanya"

Galit nga ba ako? Nagalit ba ko sa kanya?

I've been Waiting for YouWhere stories live. Discover now