34

1.9K 209 56
                                    















*******ORANGE POV*********








"Ugh!" daing ko nang bumangon dahil sobrang sakit ng ulo ko. Shit! Napadami na naman ang inom ko kagabi. Napasulyap ako sa salamin. Nakadamit pantulog na ako. Wait, hindi ko matandaan ang nangyari. Totoo ba na galing ako sa party o panaginip lang 'yon? Eh? I'm confused.

Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Kaitlyn.

"Morning," bati ko at napasulyap sa relo. Alas siete na ng umaga.

"Late ka na," sabi niya.

"Hindi na ako aattend ng klase. Masakit ang ulo ko," sagot ko. Hindi rin naman ako maka-concentrate mamaya e.

"Tumayo ka na at kakain na tayo," yaya niya.

"Gusto ko ng kape," sabi ko saka tumayo at sinundan siya sa dining room dahil mukhang may tama pa ako. "Hindi ka yata maaga ngayon."

"Eight thirty pa ang pasok ko ngayon," sagot niya saka naupo.

"Ikaw nagluto?" tanong ko dahil may sinabawang isda at may nilaga pa.

"Pinabili ko," sagot niya.

"Ah," sabi ko. Oo nga naman, hindi siya marunong magluto. "By the way, kagabi ba—ikaw ang nagbihis sa akin?"

"Sumuka ka sa sala kagabi," salubong ang kilay na sagot niya.

"S—Sorry, wala akong naalala," nahihiyang paumanhin ko. Napaka-reckless ko talaga. Ano kaya ang iiisipin niya? Na lasenggero ang asawa niya?

"Sana sa susunod, uminom ka nang kaya mo lang," sabi niya saka nagsimula nang kumain.

"I was carried away," sabi ko.

"Kapag nasa party, dapat magdahan-dahan ka lang sa pag-inom lalo na kung hindi mo kilala ang lahat ng bisita."

"Oo na," sabi ko. "Pero salamat sa pagpabihis sa akin kahit na wala akong maalala."

Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko.

"Lolo?" bungad ko.

"Ano na naman ang kalokohang ginawa mo?" galit ang boses na tanong ni Lolo Black.

"Ano hong kalokohan?" tanong ko saka napasulyap kay Kaitlyn na maganang kumakain.

"Tingnan mo ang balita! Wala ka na bang alam gawin kundi scandal?" pasigaw na sabi niya kaya inilayo ko ang cellphone sa tainga.

"Anong scandal?" nagtatakang tanong ko pero pinutol na niya ang tawag. "Ano na namang issue 'to?" tanong ko saka napahawak sa sumasakit na ulo. Hangover talaga. Kinuha ko ang sabaw ng nilaga saka hinigop.

Tiningnan ko ang messages dahil ang daming nagme-message sa akin na pamilya pero kay Paul ang binuksan ko.

May ipinasa siyang link kaya binuksan ko.

"What?" bulalas ko dahil sa issue ko kay Steffi na magkasama kami kagabi at nagkulong sa kwarto. May picture pa na nakaakbay ako sa kanya at halos payakap na naglalakad kami sa hallway. "Akala ko ba walang paparazzi sa party?" galit na tanong ko. But did we really fuck? Nasa picture pa na suot niya ang long sleeve blazer ko pero halos nakahubad na ang hitsura. "What the heck? Ano na namang—" Natigilan ako at napatingin kay Kaitlyn. Tumikhim ako para lunukin ang bumabara sa lalamunan ko.

Pinakiramdaman ko siya. Kailangan ko bang ipaliwanag ang sarili ko? Pero wala akong matandaan kagabi. Malabo. Okay. Alam ko nag-iinuman kami tapos dikit nang dikit si Paul sa kanya tapos si Steffi naman, parang linta na ayaw lumayo sa akin. Pumunta ako sa toilet tapos kasama ko si Steffi. Tapos hindi ko na maalala. Oo, naghubad siya sa harapan ko pa pala pero after that, ano na? Hindi ko matandaan. Nag-drive ako pauwi ng bahay tapos blangko ulit ang utak ko.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon