30

2.7K 215 82
                                    



-----------KAITLYN'S POV--------

"Saan ka sa sem-break?" tanong niya habang nanonood kami ng balita.

"Hindi ko pa alam."

"Japan tayo," yaya niya.

"Hindi ko pa alam. Isa pa, walang budget."

"Di ko naman sinabi na gagastos ka. Syempre libre ko," sabi nito.

"Wala ka bang lakad kasama ang barkada mo?"

"Yayain ba kita kapag mayroon?"

"Syempre baka yayain ka nila."

"Nauna na kitang niyaya kaya syempre hindi na pwede," sagot niya saka ipinatong ang mga paa sa binti ko.

"Bawal ako. Hindi ako papayagan ni Tatay kapag ikaw ang kasama ko," sagot ko.

"Ipaalam kita."

"Malamang mas lalong hindi niya ako payagan," sabi ko sabay tulak ng mga paa niya. "Ang bigat!"

"Sus, parang dantay lang eh," anito.

"Ayoko! Ang bigat kaya ng paa mo."

"Sige na, Kaitlyn. Japan tayo."

"Hindi nga pwede."

"Eh di sa Nueva Ecija na lang. Maganda sa amin, promise."

"Hindi nga ako papayagan kapag ikaw ang kasama ko!"

"Ipapaalam nga kita nang maayos."

"Paulit-ulit, Orange?"

"Basta. Ako ang bahala," sabi nito.

"Tagal pa nun!" sabi ko.

"Looking forward," sabi nito saka naupo pero muling nahiga sa hita ko.

"Orange, hindi ako unan!" reklamo ko sabay tulak ng ulo niya pero nagmamatigas siya.

"Gusto kong matulog," sabi nito sabay pikit ng mga mata.

"Sa kwarto ka matulog. Maraming unan doon!"

Pero hindi na siya nagsalita pa kaya hinayaan ko na lang na mahiga siya at nag-concentrate sa balita. Napailing ako nang marinig ang paghilik niya. Naging centro pa rin siya ng topic sa school at hanggang ngayon, palaisipan ng lahat kung sino ang asawa nito dahil talagang kinasuhan niya ang vlogger.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog.

"Oh?" pagsagot ko kay Rose Ann.

"Gurl, nasa baba ako. May dinaanan lang ako malapit sa condo mo kaya daanan na kita."

"What? Bakit?"

"Paakyat na ako sa elevator," sabi nito.

"W—What?" natarantang sabi ko saka pinutol ang tawag. "Orange! Orange!" pukaw ko.

"Oh?" tanong niya na halatang naalimpungatan. "Nandito si Rose Ann! Tago ka!"

"Bakit?"

"Anong bakit? Dali na! Punta ka na sa unit mo! Sarado mo ang wall!" sabi ko sabay tulak sa kanya.

"Pota! Natutulog ang tao eh! Pauwiin mo na lang kaya siya," sabi nito.

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang doorbell.

"Orange! Isa!" galit na pagbilang ko kaya tumayo siya at parang pagong na naglakad patawid sa unit niya. "Pauwiin mo siya nang maaga."

"Oo na! Sarado mo na!" pagtataboy ko kaya dahan-dahang sumarado ang wall.

In A Secret Relationship?Where stories live. Discover now