33

2.2K 224 63
                                    










*****Orange Pov****













"Bakit ako?" bulalas ni Ate Fuchsia matapos ko siyang kausapin tungkol sa sem-break.

"Sige na, ate. Hindi na kita kukulitin, promise," pangako ko.

"Nevermind!" pag-aarte nito kaya malapit nang maubos ang pasensya ko.

"Ate naman. Paano ko makasama ang asawa ko sa sem-break kung ganyan ka?"

"Aba, problema mo na iyon, Kahel! May sarili rin akong problema, ano."

"Grabe ka naman, ate. Hindi ka talaga maaasahan."

"Akala ko ba napaalam mo na? Bakit kailangan mo pa ako gamitin para madala sa Nueva Ecija ang asawa mo?"

"Kasi hindi naman niya alam na may alam na ang parents niya sa status naming dalawa," paliwanag ko.

"Alam mo, Kahel? Niloloko nyo lang si Kaitlyn sa ginagawa ninyo. Bakit hindi mo na lang kaya aminin na alam na ng parents ninyo ang tungkol sa kasal?" suhestiyon niya na alam kong hindi magugustuhan ni Kaitlyn. For sure bubuga 'yun ng apoy kapag malaman niyang alam na ng parents niya bago pa kami ikasal. Ang hirap pa naman yun paamuin.

"Hindi nga ho pwede, Ate. Basta. Ayaw ko nang magpaliwanag pa sa 'yo."

"Eh di hindi kita tutulungan, bahala ka."

"Eh di wag!" pikong sabi ko. Subukan ko kaya kay Purple? Kaso mukhang hindi rin mapagkatiwalaan ang mga kapatid ko.

"Bahala ka," aniya saka inirapan ako at iniwan.

"Haist! Wala talaga akong maasahan sa mga kapatid ko!" malakas na sabi ko para marinig nila. Ang dami nga namin, wala namang tulong.

Lumabas ako sa tambayan at pinuntahan sina Paul at Winter.

"Kanina ka pa namin hinahanap," sabi ni Winter.

"Bakit na naman?" tanong ko.

"Dude, sama ka mamaya."

"Saan?"

"Birthday party ni Direk Pat," sabi nito na pinsan niya sabay abot sa akin ng invitation card.

"Busy ako," sabi ko pero kinuha ang card.

"Pupunta ako kahit na hindi ako busy. Nandoon si Kaitlyn eh," sabi ni Paul kaya napaharap ako sa kanya.

"Ako rin, nandoon si Geen eh. Isama ko siya mamaya. For sure sasama yun dahil pupunta ang kaibigan."

"Sure ka na hindi ka pupunta?" tanong ni Paul.

"Titingnan ko kung walang iutos sa akin si Lolo Black, sasama ako," sagot ko. Invited din pala si Kaitlyn dahil family friends nila ito at isa pa, siya ang direktor ng latest commercial nila.

"Sus, pupunta ka kasi nandoon si Steffi," sabi ni Paul.

"Pakialam ko sa kanya!" sagot ko. "Ano na ang balita sa sex video?"

"Oh, speaking of sex video. Nahanap ko na pala ang original. Send ko sa 'yo," sabi niya saka kinuha ang cellphone saka pinakita sa akin.

"Tirik ang araw, manood tayo ng scandal?" tanong ni Winter. "Sa bahay na lang sabay salsal."

"Tumahimik ka nga!" sabi ko sabay batok. Ini-fast forward ko hanggang sa makita ang mukha ng lalaki. "Hindi ko sila kilala."

"Model ng Vivamax ang babae at dancer sa bar ang lalaki," sabi ni Paul.

"Gusto ko silang makausap," sabi ko. "Tingnan natin kung sinadya ba nila ang video o trip lang."

"Okay pero nasa ibang bansa pa sila. Nextweek pa ata ang balik."

In A Secret Relationship?Where stories live. Discover now