32

3.1K 226 75
                                    

Unedited....







*******ROSE ANN POV**********












"Ano bang mayroon? Bakit ang ingay ng gym?" tanong ni Kaitlyn.

"Hala, hindi mo alam?" tanong ko. "Friendly game na naman ang Westbridge at CTU."

"Talaga?" tanong niya.

"Wala ka talagang alam," sabi ko. Napakainosente talaga nitong bestfriend namin. Palibhasa parang ipinanganak kahapon.

"Sorry na, hindi naman kasi ako interesado," paumanhin niya kaya natawa ako.

"Sayang nga. Gustong-gusto pa naman ni Geen na manood ng basketball ngayon. Syempre ang daming pogi," sabi ko. Looking forward din talaga ang halos lahat sa friendly game ng dalawang malaking unibersidad sa bansa, ang CTU at Westbridge.

Siyempre Villafuerte vs Lacson ang labanan.

"Oo nga e. Ngayon pa talaga siya nagkasakit."

"Tinatawagan ko kaso alam mo na, hindi daw talaga niya kaya."

Aaminin ko, medyo boring kapag wala si Geen at itong si Kaitlyn lang ang kasama. Ganoon nga talaga siguro. Na sa tatlong magbarkada, mayroon talagang genius at maganda pero boring. Kung sabagay, bina-balance lang ang pagkakaibigan. Si Kaitlyn naman ang tipo ng taong kahit na maghirap man, mahirap talikuran dahil napaka down to earth ito noong sobrang yaman pa. Naniniwala ako na mayaman pa rin naman sila at makakabangon ang pamilya nila. Hindi man ngayon pero for sure balang araw.

"Hey, manood kayo?" tanong ni Paul na lumapit sa amin.

"Lalaro ka ba?" tanong ko.

"Si Orange lang," sagot nito.

"Sino pa sa Villafuerte?" curious na tanong ko. "Si Kuya Green Maroon?"

"Eh? Alam mo namang ayaw pahawak nun," ani Paul. "Oh, andiyan na pala si Orange."

"Paul," tawag nito na nakasuot ng jersey shirt kaya napakunot ang noo ko dahil number 8 ang naka-print sa damit niya.

"Manood tayo, Kaitlyn," yaya ko. Alam naman niya na gustong- gusto ko.

"Ikaw na lang, hindi ako interesado," sagot niya.

"Eh? Sige na," pakiusap ko sabay hawak sa kanang braso niya. "Wala akong kasama. Isa pa, support natin si Orange." Feeling close pero boyfriend naman ni Geen si Winter na barkada ni Orange kaya wala namang masama na kaibiganin ko rin ang kaibigan ng boyfriend ng kaibigan ko. Ang gulo! Basta!

"Manood na kayo, sabay na tayong papasok," sabat ni Paul. "Wala naman kayong gagawin sa bahay."

"Gagawa pa ako ng assignment," sagot ni Kaitlyn so I rolled my eyes. Grabe siya!

"Sus, mamaya na. Easy lang 'yan sa 'yo. Sige na, Kaitlyn," pakiusap ko. Hindi ko to mapilit e. Ang dami nang nanliligaw sa kanya ngayon pero never ko pa siyang nakitang nagka-interest sa isang lalaki.

"Sige pero CR lang muna ako. Wait nyo ako," pagpayag niya.

"Yehey! Thank you. Wait ka namin dito. Uy, Paul. Sabay na tayong pumasok," sabi ko sabay harap sa kanila pero napansin kong sinundan ng tingin ni Orange si Kaitlyn.

"Orange," ani ko. "Nag-number 8 ka na pala ng jersey."

"Matagal naman akong number eight," sagot niya.

"Ha? Pareho pala kayo ni Elias?" tanong ko.

"Paanong pareho eh nauna ako sa number eight," sagot niya.

In A Secret Relationship?Where stories live. Discover now