Sabado ngayon at dahil walang pasok ay naisipan kong dumalaw kila Faith. Pero naisip kong bigyan sya ng isang espesyal na bagay kaya nagpunta muna ako sa mall para bumili ng singsing na para sqa aming dalawa bilang magbestfriend. Nakakita ako ng isang singsing na may infinity symbol at may BFF na naklagay at nagustuhan ko iyon kaya binili ko na ☺
Binilhan ko na rin sila ni Tita Clarisse ng Mocha Cake dahil alam kong parehas nilang gusto iyon ☺
Habang hinihintay ko ang cake sa store ay tinawagan ko si Faith
- Hello Clarence, napatawag ka ?
- Ah oo, gusto ko sana tanungin kung busy ka
- Hindi naman. Bakit?
- Pwede ba ako pumunta dyan?
- Okay lang naman. Bakit ? Anong meron?
- Wala lang. gusto lang kita makita 🥰
- Aysus! Daming alam. Sige na, sabihin ko rin kay mommy na pupunta ka. Sure ako matutuwa yon hehe
- Sige Faith. Salamat.
- Sige. Ingat ka. Bye 🥰
- Bye Faith. Thank you 🥰
Pagdating ko sa bahay nila ay si Tita Clarisse ang agad kong nakita
" Hello po tita, Magandang Hapon po! Mano po"
" Oh Clarence nandyan ka na pala"
" Opo hehe. Cake nga po pala tita para po sa inyo ni Faith. "
" Naku nag abala ka pa iho. Salamat ha. Teka, nililigawan mo na ba si Faith? "
" Ay hindi po hehe. Nakapag usap na po kami ni Faith na mag Bestfriends lang po muna kami. Naiintindihan ko naman po si Faith dahil ilang beses na rin po syang nasaktan kaya siguro ayaw nya rin po muna ng commitment"
" Sabagay, atsaka mga bata pa kayo. Kung kayo naman talaga ang para sa isa't isa, paglalapitin at paglalapitin kayo ng tadhana ☺"
Ngiti lang ang naging sagot ko kay tita Clarisse
" Osya iho, pumasok ka na, nandyan lang si Faith, ipaghahanda ko lang kayo ng inumin 😊 "
" Maraming Salamat po tita ☺"
Pagpasok ko sa bahay nila agad kong nakita si Faith
" Faith "
" Oh Clar, kanina ka pa ba? "
" Hindi naman "
" maupo ka "
" Salamat "
" Nasan pala si Cyline? "
" Ayun. Nandun sa boyfriend nya hehe "
" Ahh hehe. Kaya siguro bored ka sa inyo "
" Oo, kinuha na rin kasi kanina ng tita ko si lola. Dun daw muna sya for 2 weeks "
" ahh okay. "
Katahimikan lang ang namagitan sa amin ni Faith hanggang dumating si Tita Clarisse na may dalang slice ng cake at juice
" Oh bakit ang tahimik niyo? Gutom na siguro kayo noh ? oh heto, mag meryenda muna kayo. Naku Clarence salamat sa cake ha. Mocha cake pa talaga. Favorite namin ito ni Faith ☺ "
" ahh walang anuman po tita ☺ "
Pagkatapos namin kumain ay bigla kong naalala ang ibibigay ko kay Faith
" Ahmm Faith. Pwede ba tayo pumunta sa park? maglalakd lakad ? "
" Ahmm paalam muna ako kay mommy. "
" Sige "
" Ma, pwede po ba kami pumunta saglit sa park? "
" Sige anak .Ingat kayo. "
" Sige po ma . salamat po "
" Thank you po tita "
pagdating namin sa park ay nagkuwentuhan lang kami nang bigla kong niliko ang usapan.
" Faith, tanggap mo pa rin naman ako bilang bestfriend ko diba ? "
" Oo naman, Bakit ? "
" May gusto sana akong ibigay sayo e, sign sana ng pagiging magbestfreind natin ? "
" WOW talaga? "
" Oo Faith, pumikit ka "
" Ay kailangan talaga ? haha. sige na nga "
Agad ko naman nilabas ang box ng singsing at hinarap m sa kanya
" Pwede ka nang dumilat "
" Wow! Clarence! Ang ganda naman nyan 🥰 "
" Tag isa tayo neto, sana ingatan mo Faith "
" Oo naman, iningatan ko nga yung kwintas e , eto pa kaya 😅 "
" Pwede ko na ba isuot sayo ? "
" Sige. "
Habang sinusuot ko sa daliri nya ang singsing ay napatingin ako sa mukha nya. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Faith. Napaka ganda ng ngiti nya 🥰
" Hoy! Matunaw ako "
" ay sorry. hehe. etong isa lagi ko rin tong susuotin 🥰 "
" Thank you Bestfriend 🥰 "
" Wala yun 🥰 "
" Uwi na tayo at malapit na rin magdilim " pag aya ko sa kanya
" Sige . ☺ "
Hanggang gate nalang ako nila Faith at dahil nandon na rin si tita Clarisse ay nagpaalam na rin ako.
Pagdating ko sa bahay ay nandun na rin si Cyline.
" San ka galing kuya? "
" Dyan lang kila Faith "
" Ahh okay. Kamusta naman panliligaw mo ? "
" Ayan ka nanaman Cy! Hindi ako nanliligaw noh. Dinalaw ko lang sya "
" Hmmmm. Okay. Sabi mo eh. Teka ano yang singsing na yan ? Patingin? "
"Napakausisera mo talaga e noh"
" Patingin lang naman e. Sige na "
(Sabay tingin nya sa singsing na kapareho nung binigay ko kay Faith)" Ang cute naman neto. San mo nabili? Akin nalang yan kuya"
" Hindi pwede. Tag isa kami ni Faith neto "
" Owwww! So may pa couple ring na 😅 in love na in love ka talaga kay ate Faith noh 😊😊 "
". Hindi to couple ring noh. Nakita mo ba nakalagay BFF ? "
" Ok. Ok. Sabi mo e 😅 "" Dyan ka na nga . Mag aasikaso lang ako ng kakainin natin "
![](https://img.wattpad.com/cover/363783020-288-k124139.jpg)
YOU ARE READING
Destined for my Bestfriend
Teen FictionThis story is about bestfriends who became lovers. But before they find their others as their true love, it seems like destiny plays with them at first.