Clarence's POV
Nakakailang buwan na mula nung pasukan at marami na dn ako nagiging friends hindi lang sa room kundi pati sa ibang year level at ibang section. pero mas naging close pa kami ni Faith. Wala ako masabi sa kanya, napakabait at madaling lapitan . Hindi naman ako magtataka kung bakit marami nagkakagusto sa kanya. Hindi lang kasi siya mabait , maganda rin kasi talaga siya . oo , inaamin ko, nagagandahan din talaga ako sa kanya. Ang totoo, unti unti ko na rin siyang nagugustuhan. gusto ko kausapin ang kapatid ko tungkol sa nararamdaman ko.
Sabado ngayon at walang pasok, nilapitan ko ang kapatid ko na busy sa kakasuklay ng buhok :D
" Cy ! busy kaba ? " tanong ko sa kanya
Cyline: Hindi naman kuya ! bored nga ako e . bakit?
Me: Gusto mo mag mall tayo ? ( yaya ko sa kanya pero gusto ko rin kasi makasama c Faith ngayon, kaya sinabi ko kay Cyline na yayain sya )
Me: Ahmm nga pala , subukan mo rin yayainn si Faith
Cyline: Si ate Faith ? oyy kuya , ano yan ? nagugustuhan mo na si ate Faith ano? ( pang- aasar niya )
Me: hindi ah. syempre kaibigan natin siya diba ?
Cyline:: Kuya wag ako alng lokohin mo ha! kilala kita . Hali ka nga mag usap muna tayo
Me: Ano nanaman bs ?
Cyline: Umamin ka nga sakin
Me: Ahhhh, ang totoo kasi niyan..........
Cyline: Anoooooooo?
Me: Chismosa ka talaga e noh ! ( biro ko sa kanya )
Cyline: tagal mo naman kasi sumagot , ano nga >???
Me: Honestly , hindi ko alam e , hindi ko maintindihan. gusto ko lagi ko siya kasama at nakikita,
Cyline: e di crush mo na nga siya , dami mo sinasabi dun din papunta yun. so ano plano mo ?
Me: Ayoko sabihin sa kanya kasi ayoko masira yung kung anong meron kami . baka kasi iwasan niya ako . Sige na yayain mo na siya
Cyline: Sige ichachat ko siya
o eto na nagreply na
Me: ano daw ?
Cyline: excited lang? sabi niya hindi daw siya pwede . may lakad daw siya
Me: ah okay. next time nalang din siguro tayo umalis
Cyline: Joke lang , simangot ka agad dyan . Okay daw , wala naman siyang ginagawa
Me: Talaga ba ? patingin nga ng chat
Cyline : SUS! sigurista ! o eto
nabuhayan naman ako ng loob nung pinakita sa akin ni Cyline ang chat ni Faith na pumayag na pumasyal kami
Me: bihis lang ako ( na eexcite ko pamg sabi kay Cyline )
Napagpasyahan namin ni Cyline na daanan nalang si Faith sa bahay nila.
Pagdating namin doon ay nakita agad namin ang mommy ni Faith na si Tita Clarisse . Agad naman namin siyang binati, kilala naman na din kami ni tita dahil madalas kami magpunta sa bahay nila Faith kapag gumagawa ng school projects
" Hello po tita " bati namin ni Cyline
" oh kamusta naman kayo ? Sabi ni Faith may lakad daw kayo "
napatingin naman ako kay Cyline dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay tita ang lakad namin
" ahh opo tita ! mamimili po kasi ako ng bagong damit, gusto ko lang po magpasama kay ate Faith para po may katulong ako mamili ng mga damit na babagay sa akin. At sinama ko na rin po si Kuya, alam niyo na po para may tagabitbit hahah" biglang singit ni Cyline
YOU ARE READING
Destined for my Bestfriend
Teen FictionThis story is about bestfriends who became lovers. But before they find their others as their true love, it seems like destiny plays with them at first.