Clarence's First Heartbreak

2 0 0
                                    


Clarence's POV

Ilang linggo na ang nakalipas at nakausap ko na rin si Cindy. Sabi niya hindi na daw niya uulitin pero hindi ko alam kung bakit sa lahat ng taong kakausapin ko pati si Cyline ay pinagseselosan niya na. At hindi na rin nagiging maayos ang aming relasyon.  Ilang araw ko na pinag iisipan na tapusin na ang meron kami ni Cindy kasi talagang lumalala na ang mga nangyayari. Isang araw habang naglalakad kami pauwi ay napagdesisyunan ko na makipaghiwalay na sa kanya kaya muli ko siyang kinausap.

" Cindy, nag usap na tayo diba? Bakit hindi ka parin nagbabago ? "

" Ano nanaman ba to? "

" Bakit ganun ka ? Bakit nagagalit ka kahit si Cyline Lang kausap ko. Tama bang pati kapatid ko pagselosan mo? "

" Sorry "
" Yun lang ? Sorry lang?"
" Cindy sorry ahh . Pero hindi na talaga tama ang mga nangyayari e. Siguro wag nalang natin ituloy to. Ayoko na Cindy. Tapusin na natin kung ano man meron tayo "
" Whaaaat ? Ganun lang kadali sayo na sabihin yan ?? "
" Hindi e. Ilang araw at linggo ko na pinag iisipan to pero wala na talaga magandang nangyayari e. Sorry pero I'm breaking up with you "
" Sige. Yan ang gusto mo e. Pagsisisihan mo lahat ng ginawa mo Clarence. Tandaan mo yan " sabay alis si Cindy

At nagpatuloy na ang paglalakad ko pauwi. Pagdating ko sa bahay ay agad kong sinabi kay Cyline ang nangyari. Pagkatapos namin mag usap ay hinayaan niya muna na makapagpahinga ako .

Kinabukasan......

Faith's POV

Nandito na ako sa classroom at malapit na magsimula ang klase pero hindi pa dumadating si Clarence. Noong break time ay sinubukan ko iMessage sya pero hindi sya nagrereply, tinawagan ko rin sya pero unattended ang number nya. Sakto naman na nasalubong ko si Cyline kaya tinanong ko na rin sya.

" Cyline "
" Oh ate kamusta ka ? Hindi mo ata kasama si Kyle ngayon. "
" Ahh may tinatapos pa sila e.  Nga pala , bakit hindi pumasok si Clarence? Minemessage at tinatawagan ko sya pero hindi sya nagreresponse . "

" Ah oo ate. Nakalimutan ko pala banggitin sayo. Medyo hindi kasi maganda pakiramdam niya ngayon e. Tsaka in-off nya ang phone niya ngayon dahil nangungulit parin si Cindy sa kanya. Break na kasi sila "

" Ha? Bakit? Anong nangyari? "

" Siguro ate sya nalang kausapin mo . Ayoko kasi pangunahan siya . Hindi ko rin naman alam kung anong buong nangyari, kung gusto mo sumabay ka sa akin mamaya "

" Sige , message nalang kita "

Pagdating namin sa bahay nila Clarence ay nakita ko kaagad ang lola nila at agad akong nagmano.

" Uyy Faith, kamusta ka ? Tagal mo na hindi nakadalaw ah "

" Oo nga po lola e. Medyo ma busy lang po. Namiss ko po kayo la. "

" Namiss din kita Faith. Balita ko may boyfriend ka daw ngayon "

" Naku lola hindi pa po. Nanliligaw palang po sa akin si Kyle. "

" Mabait ba yan iha? Naku kilalanin mo munang mabuti bago mo sasagutin . Baka matulad naman yan sa nakuha ni Clarence jusko. Buti nalang at hiwalay na sila . Bakit kaya hindi nalang kayo ni Clarence ang magkatuluyan haha ? " ( Biro ni lola 😅 )

" La, ikaw kung ano ano sinasabi mo kay Faith. Baka mamaya anong isipin niyan " ( singit ni Clarence )

" Oh apo, naku si Faith lang pala ang makakapagpababa sayo , teka nga at ipaghahanda ko kayo ng meryenda. "

Naiwan naman kaming dalawa sa sala nila. Ako na ang nagbasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa

" Okay ka lang ? Tamlay mo ah " sabay lapat ng palad ko sa noo niya. Naramdaman kong medyo mainit nga siya kaya humingi ako kay Cyline ng bimpo at malamig na tubig .
Agad naman akong binigyan ni Cyline

Destined for my BestfriendWhere stories live. Discover now