Comfort Zone

1 0 0
                                    

" okay lang ba samahan kita Faith? "

" ikaw , kung ok lang sayo " 

" okay lang naman. Hindi lang ako sanay na malungkot ka "

" Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman eh, dapat nakipaghiwalay siya ng maayos , hindi yung sa ganong sitwasyon ko sya makikita, inintindi ko na hinsi sya nakaka contact sakin dahil sa EMERGENCY na sinasabi niya, pero bakit ganun ? "

nagsimula nang pumatak ang mga luha ni Faith at parang mas nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya 

" Sige lang Faith, iiyak mo lang . Para mabawasan ang bigat na nararamdaman mo "

Dito ay humagulgol na ng iyak si Faith, Ibinaling ko ang ulo Niya sa aking balikat habang umiiyak pa rin siya 

" Nandito lang ako para sayo. Kami ng mga kaibigan mo, pwede mo kami sandalan sa lahat ng oras " 

" Salamat Clarence ah," sagot nya habang unti unti na syang kumakalma . Bigla naman syang napayakap sakin pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon .

Maya maya'y bigla rin syang bumitaw

" Pasensya kana . Di ko sinasadya " 

" Okay lang yun Faith, gawin mo kung ano makakapagpagaan ng loob mo, mag umpisa ka na ibaling ang atensyon mo sa ibang bagay . para unti unti makalimot ka "

ngiti lang ang naging sagot ni Faith 

FAITH's POV

Nandito kami ngayon ni Clarence sa park dahil gusto ko muna makalimot ng konti dahil sa nakita ko .

Ikwento ko pala muna ang nangyari...

Siya si John naging Boyfriend ko sya at 2 months na kami, sya ay isang First year college student sa isang State University malapit din sa school namin ngayon..

2 weeks ago, tumawag sya sa akin

" Faith, Can we talk ? "

" Sige, about saan? "

" Mamaya ko na sabihin , sunduin kita sa school niyo mamaya "

" sige , see you "

Pagkababa ng phone ay sinabi ko kila Clarence, Kreestah at Nathalie na hindi ako makakasabay sa kanila dahil may kailangan ako daanan . pumayag naman sila. Alam naman nila Nathalie at Kreestah ang tungkol sa amin ni John pero si Clarence, hindi na rin namin masyado nakakasama dahil madalas siyang yayain ng iba naming classmates na boys na mag basketball after class. At hindi niya rin kilala si John pero alam niya nung time na yun na may boyfriend ako 

Uwian non at nakita ko na nakaabang si John sa gate 

" Hi , kanina ka pa ? " tanong ko sa kanya 

" Hindi naman, halos kararating ko lang . Tara na "

" San tayo pupunta? At ano ba yung sasabihin mo ? "

" dun nalang siguro tayo sa park? :"

" sige"

pagdating namin sa park 

" Faith, may sasaabihin ako sayo "

" Ano ba yun ? "

" Mawawala muna ako mga ilang weeks , kailangan ko umuwi ng province. We had an emergency. "

" So, anong plano? "
" Wait, don't get me wrong, I'm not breaking up, okay? Iniinform lang kita para alam mo . Baka kasi ma busy ako at hindi ako makatawag at makapagmessage sayo lagi "
" Okay lang, I understand "
" Thank you. Ano ? Hatid na kita ? "
" Sige , tara na "

Destined for my BestfriendWhere stories live. Discover now