Ch.9 Outer and Inner Campus

5 1 0
                                    

Habang binubugbug ng kasamahan ni Kyle ang lalaki bigla namang may dumating na lalaki at inawat sila.

"That's enough" he said in a cold voice

Napatigil ang lahat at napalingon sa lalaki "omg diba si Shaun Quin yan?" pabulong na sabi ng babae sa katabi neto

"Oo si Shaun yan, ang Vice President ng student council" sagot naman ng isa

"Aaahhh~ mister vice president ang gwapo mo talaga" sigawan ng mga babae

(Matangkad, matangos ang ilong, chinito, maputi, katamtaman lang ang pangangatawan at naka messy pomp na gupit.)

"Those who are involved, follow me to the guidance office" kalmadong tugon ni Shaun kina Kyle

(Tinulongan ni Shaun makatayo ang lalaking binugbug at inalalayan sa paglalakad. Sumunod naman si Kyle at ang grupo nya hawak hawak ang panyo na nakatakip sa napaso nitong balat.)

Matapos namin kumain ni Raine ay lumabas muna kami para magpa hangin.

"Chin kailangan ko pa pala muna mag grocery para sa mga daily necessities ko. Tsaka mga pagkain para hindi na ako gumastos ng malaki sa pagkain" sabi nya sakin

Naisip ko na kailangan ko rin mag grocery para makatipid ako sa mga gastosin. At kailangan ko rin maghanap ng mapapasokang trabaho.

"Ay sama na ako sayo kailangan ko rin mag grocery. Tsaka hindi ako mabibigyan ng allowance ng magulang ko kaya kailangan ko rin ng part time job" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami

"Hindi mo ba natanggap ang allowance mo for this month galing sa scholarship?" tanong sakin ni Raine

"Ha? Meron ba? Hindi ko alam" takang sagot ko sa kanya

"Halika samahan moko check mo kung magkano laman ng ID card mo" sabi nya sakin sabay hila papunta mall ng university

"Ano to mall?" gulat na tanong ko kay Raine

"Oo may dalawang shopping mall sa loob ng campus. Ang isa ay dito sa outer at ang isa doon sa inner" sagot ni Raine

"Outer? Inner? May ganun ba dito?" tanong ko ulit sa kanya

"Oo, yung outer campus ay binubuo ng mga 1st year at 2nd year students. Kapag ikaw ay nasa 3rd year pataas ikaw ay matatransfer sa inner campus" paliwanag nya

"Pero kapag ikaw ay may upgraded ID pwede kanang pumasok at lumabas sa inner campus kung kailan mo gusto" dagdag pa ni Raine

"Yung elite students ba kasama na dun sa privilege ang upgrade ID?" tanong ko sa kanya

"Oo kasama na yun kaya lahat ay gusto makapasok sa elite students lalo na yung mga first year at second year students" sagot nya

(Habang nag kukwentohan kami ay nag go-grocery kami. Matapos namin mabili lahat ng kailangan namin ay nagpunta na kami sa counter)

Matapos ma punch ni ate ay binalot na ng baggage boy ang mga pinamili ko "1,570 po lahat ma'am" sabi nya sakin

Inabot ko ang ID ko sa kanya tsaka nya ini-swipe ito para mabayaran ang pinamili ko.

"Eto po ang ID nyo ma'am" abot pabalik sakin ni ate at nilagay ang resibo sa plastic na pinamili ko

Matapos ako ay hinintay ko si Raine para sabay na kaming bumalik sa dorm.

"Tara check pala muna natin laman ng card mo" aya sakin ni Raine tsaka kami lakad papunta sa atm habang bitbit ang pinamili namin

"Inuna natin ang pamimili buti may laman pala ID ko kundi lagot ako" sabi ko sa kanya

"Hahaha kung wala laman ID mo ako magbabayad dun kanina kaya wag ka mag-alala" tawang sagot neto sakin

(Nasa atm kami ngayon para icheck ang laman ng ID ko. Nagulat nalang ako pagka tingin ko sa balance ko.)

My Husband is a Billionaire Tycoon (On Going)Where stories live. Discover now